Pinoy Weekly

Mga Larawan: P-Noy, siningil sa pangakong ipamahagi ang Hacienda Luisita

caption

Kaalinsabay ng pagdinig ng Korte Suprema noong Agosto 18 sa kaso ng Hacienda Luisita, nagsagawa ng kilos-protesta ang tinatayang 500 magsasaka na nagmula pa sa asyenda, at kanilang mga tagasuporta. Nakasulat sa kanilang plakard na may imahe ni Pang. Benigno Aquino III ang "Liar, Liar," patungkol sa pangako ng pangulo noong kampanya na ipapamahagi ang lupaing pag-aari ng pamilya Cojuangco-Aquino. (Jose Cosido)

caption

Hiling nila sa Korte Suprema ang pagbasura sa compromise agreement na inilako ng manedsment ng Hacienda Luisita Inc. (HLI), na tinitingnan bilang iskema para pangunahan ang desisyon ng korte at makatakas muli sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka. (Macky Macaspac)

caption

Mula Plaza Salamanca sa Taft Ave., Maynila, nagmartsa ang mga magsasaka patungo sa Korte Suprema sa Padre Faura St. (Macky Macaspac)

caption

Sa kanto ng Padre Faura at Taft Ave., hinarang sila ng puwersa ng 200 pulis. (Macky Macaspac)

caption

Ipinakita ng dating manggagawang-bukid ng HLI ang patunay na mahigit piso lamang ang kanyang natanggpap kapalit ng pagpirma sa compromise agreement. (Macky Macaspac)

1 2

Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=8914

Posted by on Aug 19 2010. Filed under Lathalain, Multimedia, Photo Essays. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0. You can leave a response or trackback to this entry

3 Comments for “Mga Larawan: P-Noy, siningil sa pangakong ipamahagi ang Hacienda Luisita”

  1. [...] This post was mentioned on Twitter by Pheng Mondragon, pinoy weekly. pinoy weekly said: Bago sa PW Online: Mga Larawan: P-Noy, siningil sa pangakong ipamahagi ang Hacienda Luisita http://bit.ly/8ZXmL5 [...]

  2. bakit ganon sini sisi ng pilipino ang goberno eh tayo din naman gumagawa ng kahirapan dapat may balance tayo sa gastusin

  3. screamingtuod

    eh ang gubyerno na dapat magsilbi sa magsasaka at mamamayan ay siya pang nagpapahirap sa kanila.

    mahirap gawin ng mga manggagawang bukid ang mag-balance kung wala silang ibabalance bunga ng stock distribution option (sdo). dapat nating tandaan na kanila ang 6,453 ektaryang lupa ngunit sila ang naghihirap samantalang ang mga cojuangco-aquino ang nagpapasasa.

Leave a Reply

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes