Maria Venus Raj vs. Krista Arrieta Kleiner
May tensiyong namumuo sa pagitan ng 4th runner-up 2010 Miss Universe na si Maria Venus Raj at ang kinatawan ng Pilipinas sa 2010 Miss International na si Krista Arrieta Kleiner.
At hindi lang namumuo kundi namuo na.
Ito ay dahil sa nang maakusahan si Maria Venus na mali at may disprensiya ang kanyang papeles ng impormasyon, ang pinagbintangan ng mga kinauukulan ay si Krista ang nagkakalat o nagkalat.
Hindi nga ba’t kinasuhan na ng dethronement si Venus nang dahil sa mga dokumentong kahina-hinala sa kanyang kapanganakan?
Pero itinanggi ito ni Arrieta Kleiner.
“I didn’t do that. I was accused of squealing out information but it wasn’t me. I didn’t anything about it. And I was cleared out. We talked and we had a good chance clearing out things,” pahayag ni Krista noong Linggo sa Activity Center ng Ali Mall kung saan ginanap ang isang fashion show na kasama siya at si Raj.
***
Nang ibaba ang desisyon ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. na palitan si Venus bilang representante ng bansa sa 2010 Miss Universe, si Krista ang ipinalit ng pamunuan.
Dahil si Kleiner ang may korona ng Binibining Pilipinas-International, puwede rin siyang iakyat ng posisyon base sa mga alituntunin ng timpalak kaya naman ang sumunod na titulo sa Binibining Pilipinas-Universe ay ang Binibining Pilipinas-International kaya si Krista ang kasunod na kapangyarihan sa Binibining Pilipinas-Universe na si Venus.
Pero ginawa lahat ni Raj ang kanyang makakaya at ang mga legal na pamamaraan ay kanyang ginawa para mapatunayang hindi siya nagsisinungaling sa kanyang mga sinumpaan sa batas ng bansa.
Makalipas ang maraming araw ng pagsunod sa mga patakaran at proseso ng pagbabalik sa kanya ng korona ayon sa batas, naibalik din kay Venus ang kanyang titulo at siya pa rin ang ipinadala sa 2010 Miss Universe.
At ang kasaysayan ang makapagpapatunay na si Raj ang ika-4 na runner up sa internasyunal na labanan.
***
Nang matapos ang lahat, inabangan ni Krista ang kanyang pagsali sa Miss International sa Beijing, China sa isang buwan.
Sa paghihintay na ito ay lumabas ang isa pang intriga na siya ay ipinapa-dethrone.
May puwersa na nais siyang alisin sa opisyal na listahan ng mga beauty queen na kasali sa paligsahan sa ibang bansa.
At nadamay na naman ang pangalan ni Venus.
Ayon sa mga balita, sa kampo ni Raj nag-ugat ang isyu ng dethronement kay Kleiner.
Ito ang pahayag ni Krista: “I logged to the Internet and there a page identified with Venus that I am being dethroned. It wasn’t really Venus’ Facebook account but it was somebody else’s. There were nasty things written against me. So I told Venus about it. Venus was shocked. She couldn’t believe there were such unsavory comments. I knew she couldn’t do it. Somebody else did it in her name. Somebody else did it using her. I supposed they were fans of her who don’t like me.
“So I told her please eliminate the page. She did of course. She was very sad about it. It was soon eliminated but then again, it was done once more through somebody else’s name. It was really sad. I could understand her. But we are friends,” pahayag ni Krista.
***
Pero ayon sa opisyal na pahayag ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., ayon kay Kleiner, walang katotohanan na mawawalan siya ng kapangyarihan na makasali sa Miss International na gaganapin a China sa isang buwan.
Sa katunayan, marami nang paghahanda ang isinasagawa ni Krista para sa kanyang paglaban.
“We are already training so it isn’t true that I would be dethroned. It’s far from real,” pahayag ng dalagang mestiza dahil ang kanyang ama ay isang dayuhan samantalang ang kanyang ina ay Filipinang-Filipina.
Inilinaw ni Kleiner na wala ring namamagitang gusot sa kanila ni Venus.
Sa katunayan, sa pagtatanghal sa Ali Mall, magkasama pa sila at sa panayam ng mga peryodista, magkatabi pa at malapit na malapit sa isa’t isa sina Venus at Krista.
“We didn’t have tension during the show. It was fun and we were like sisters,” pahayag ni Arrieta-Kleiner.
***
Pati si Raj ay nagtataka kung saan nagmumula ang mga intrigang ito.
Bastat para sa kanya ay ginagawa lang niya ang nararapat para sa isang tituladang beauty queen na tulad niya.
“I am just very happy about what is going on in my life,” pahayag ng ikaapat na runner-up sa 2010 Miss Universe sa isang maraming interbyu sa kanya at sa iba pang kinatawan ng paligsahan sa isang sulok ng Ali Mall pagkatapos ng palabas.
Napakaganda talaga ni Venus bilang isang Filipina at ang kanyang gandang-Filipina ang dapat ipagmalaki ng sambayanan sa gitna ng mga upasala sa kanyang pag-i-Ingles na tama naman manapa’y ang kanyang pagbibitiw ng mga katagang “major, major.”
Walang kaso ito sa panig ni Raj at manapa’y nagsasaya siya sa bawat sandali ng kanyang buhay bilang Binibining Pilipinas-Universe.
Ipinagmamalaki siya ng mga kapwa reyna ng kagandahan sa buong mundo.
Lalo na sa kanyang mga kababayan sa Pilipinas, ang karangalan ni Venus ay isa na ring karangalan ng bawat Filipino.
Nakalagay nga siya sa bawat pahina ng mga pahayagan at magasin at sa mga kuwadro ng telebisyon ay nakapaskel ang kanyang mukha at ang mga tekstong nakasaad sa kanyang bawat paggalaw.
Pati sa radyo at Internet ay hindi nawawalan ng ulat tungkol kay Raj na isa sa magiging putahe sa mga programang pantelebisyon sa mga susunod na araw dahil aminado siyang may mga alok sa kanya ang mga istasyon ng TV sa bansa partikular ang GMA Network na siyang nagsasahimpapawid ng Binibining Pilipinas.
***
Samantala, sa ika-20 ng Oktubre, 2010 aalis patungong Beijing, China si Krista.
At alam ba ninyo kung sino ang kanyang kasama?
Walang iba kundi ang kanyang kasintahang si Jar-R.
Yes, ang mang-aawit na si Jay-R.
Inamin ni Jay-R na sila ni Krista ay magkasintahan.
“I am very happy about what’s happening to her career. I just saw her walked the runway and she was very good. I am proud of her,” pahayag ng mang-aawit.
Kaya nga siya ay tumatangos ang ilong pag nababalitaan ang magagandang nagaganap sa kanyang kasuyo.
Nagkakaintindihan sina Jay-R at Krista sa kanilang mga opiyo sa showbiz kaya naman nagtatagal ang kanilang pagsasama.
Mahigit nang isang taong magkatipan sina Kay-R at Kleiner at para sa kanila, ang bawat sandali ay paraiso sa kanilang buhay.
***
Maaga pa ay nasa Ali Mall Acitivity Center na si Jay-R para sa panonood ng pagrampa ng kanyang kasintahan.
At ang girlfriend naman ay talagang umaapaw din sa kaligayahan.
Inspiradung-inspirado siya sa paglakad sa ibabaw ng tanghalan ng mga sandaling siya ay nakakaswal na damit, nakapampormal at naka-pang-sports na kasuotan.
Masisilayan sa mukha ni Krista ang paglutang sa alapaap ng kaligayahan sa presensiya ni Jay-R.
Kaya nga maliligtasan niya ang lahat ng intriga bastat nasa tabi at alaala lang niya si Jay-R.
Short URL: http://pinoyweekly.org/new/?p=9794















i hate gloria …