Sports

Pinas dapa sa qfinals ng FIBA U18


Pinadapa ng Chinese Taipei ang pambansang koponan ng Pilipinas, sa unang laro ng quarterfinals ng FIBA U18 men’s basketball championship na ginaganap sa kasalukuyan sa Sena’a, Yemen. Uminit ang kamay ng mabibilis na manlalaro ng Chinese Taipei at kumana sila ng 26 puntos sa ikaapat na quarter tungo sa 81-64 nilang pagwawagi sa mga Pinoy. […]

FIBAAsiaU18_Sanaa2010Pinadapa ng Chinese Taipei ang pambansang koponan ng Pilipinas, sa unang laro ng quarterfinals ng FIBA U18 men’s basketball championship na ginaganap sa kasalukuyan sa Sena’a, Yemen.

Uminit ang kamay ng mabibilis na manlalaro ng Chinese Taipei at kumana sila ng 26 puntos sa ikaapat na quarter tungo sa 81-64 nilang pagwawagi sa mga Pinoy.

Pinamunuan ni Isaac Kiefer Ravena, anak ng dating PBA player na si Bong Ravena, at Joshua Angelo Alolino ang Pilipinas na may tig-15 puntos.

Tumungo sa quarterfinals ang bansa sa pagwawagi nila kontra sa Japan. Nakatikim rin sila ng pagkatalo sa Tsiina and Yemen – kontra sa “mas malalakas at mas matatangkad na manlalaro” sa salita ni Eric Altamirano, ang coach ng koponan.

“If you look at it in that sense, we have to improve a lot,” saad ni Altamirano.

“Our initial target was to reach the quarterfinals. But that was not as important from the exposure point of view as that of the results.”

Dahil sa pagkakatalo, maghihintay ngayon ang koponan para sa pakikipagtuos para sa ika-lima hanggang ika-walong puwesto. Nakuha ng bansa ang ika-pitong puwesto sa torneo noong 2008.

17 beses nang nakasali ang Pilipinas sa palaro, at napagwagian ang kampeonato noong 1970, 1972, 1974, 1977, 1978, at 1982.