Uncategorized

Ang personal na napapala nina Jose F. Lacaba at Ricky Davao sa “Salinawit”


Ang pasimuno ng pagsasalin ng mga orihinal na awit sa dayuhang wika ay ang premyadong manunulat at peryodista na si Jose F. Lacaba. Nagsimula ito noong mga dalawang taon na ang nakakaraan nang maisipan ni Jose, mas kilala sa tawag na Pete Lacaba, na magsalin ng mga kantang Ingles o anumang lengguwahe sa wikang Filipino […]

Ang pasimuno ng pagsasalin ng mga orihinal na awit sa dayuhang wika ay ang premyadong manunulat at peryodista na si Jose F. Lacaba.

Nagsimula ito noong mga dalawang taon na ang nakakaraan nang maisipan ni Jose, mas kilala sa tawag na Pete Lacaba, na magsalin ng mga kantang Ingles o anumang lengguwahe sa wikang Filipino at tawagin niya itong “Salinawit.”

Sa katunayan, sa mga sandaling ito ay nakakadaan-daan nang salin si Pete ng mga kanyang banyaga para bigyang-diwa ang mga klasiko nang musika, kahit na popular o di-popular tulad ng jazz o samba upang bigyang-buhay ng mga mang-aawit, kilala man o hindi pa.

Ginagawa ito ni Lacaba ayon sa kanya, bilang pagpupugay sa kahulugan at katayugan ng mga ideya at melodya ng mga awiting nilikha ng mga may dilang dayuhan tungo sa katutubong salitaan.

Katuwaan din ang isa sa mga sandigan at sanligan ni Pete sa pagtatanghal ng “Salinawit” kasama ang kanyang mga kaibigan, alagad man ng sining o mga manunulat o simpleng barkada lang.

Nakakakanta na sila ng nais nilang awiting kanta na may lahok at sangkap ng ibig sabihin sa emosyon at kaisipan ay nakakainom pa sila sa mga bahay-aliwan at naipapahayag pa ang mga walang kamatayang layunin ng musika sa sandaigdigan.

***

Ito mga ito rin ang sukatan ng pinakahuli niyang “Salinawit” sa Conspiracy Bar sa Visayas Avenue kung saan noong ika-18 ng Enero, 2011 ay pagbabalik sa entablado ng konsepto ni Lacaba.

Ang mga bida sa edisyong ito sa pagbubukas ng Year of the Rabbit ay sina Cooky Chua, ang dating bokalista ng nawasak nang Color It Red Band, Reli German, isang peryodista na nagpapakadalubhasa sa publisidad ng mga pulitiko, Ricky Davao, isang aktor at si Lacaba nga.

Nang mabalitaan namin na may “Salinawit” na si Pete ngayong 2011 noon pang mga huling bahagi ng 2010 ay iminungkahi na namin sa kanya na kung maaari ay kumanta at magbigay-interpretasyon din ang tinaguriang Amazing Diva na si Armie Zuñiga sa pagtitipong ‘yon na hindi naman pinahindian ni Lacaba.

“Pero sa jamming na lang muna siya,” mungkahi ni Pete.

Hindi kami tumanggi pero ang nasa isip namin ay pag narinig niyang kumanta si Armie ay baka sabihin niyang gawin nang regular na mang-aawit ng “Salinawit” ang dilag.

Bastat hinayaan na lang naming madiskubre ni Lacaba ang ginintuang tinig ni Zuñiga na malayong kaanak ni Nonoy Zuñiga dahil Bicolano rin ang ama ni Armie, taga-Bicol kung saan sina Nonoy ay nagmula.

***

Kumanta na nga sina Pete, ang nagbukas ng palatuntunan, Ricky, Reli at Cooky.

Pagkatapos ni Davao ay umalis agad ito dahil may shooting pa kaeksena si Rosanna Roces kaya kinatiyawan siya ni Reli na kay Rosanna na lang siya, kantiyaw na umani ng mga halakhak at tawanan.

Pinalakpakan siyempre sina Davao, Lacaba, Chua at German.

Bago pa magtapos ang pormal na konsiyerto ng apat na opisyal na singer ng palabas, may isiningit na panauhing mang-aawit si Cooky, isang kaibigan na nagparinig ng isang mala-boss novang bilang na pinalakpakan din ng mga tagapakinig at mga tagapanood.

Pagkatapos ng kaibigang ito ni Chua ay tinawag na si Armie at isang kanta lang muna ang binanatan ni Zuñiga sa saliw ng suki nang piyanista ng “Salinawit” na si Ferdie Borja.

Nagpasya si Armie na tirahin ang “Hindi Mo Ako Kilala,” ang salin sa Tagalog ng orihinal ni Rey Charles na “You Don’t Know Me.”

Inunan muna ni Zuñiga ang English na mga liriko ng kanta at pagkatapos ay binanatan ang salin ni Lacaba sa palakpakan ng mga tagapakinig.

May miyembro nga ang audience kinunan pa ng video si Armie bukod pa sa pag-ikot ng video camera ng direktor ng “Rindido” na si Noriel Jarito na siyang kumukuha ngayon ng mga bideo clip ni Zuñiga.

Hindi talaga nakakahiya si Armie na irikomenda dahil humahataw talaga siya.

***

Napanood pa nga ni Edu Manzano si Zuñiga na kumanta subalit hindi pa natin natatanong ang aktor kung ano ang kanyang masasabi sa singer na ito na madalas kumanta sa ballroom dancing sa Makati Sports Club sa saliw ng Nonoy Lopez and His Band tuwing Lunes at Huwebes.

Ang naitanong namin kay Edu ay kung totoo na ikinasal na siya nang lihim kay Pinky Webb.

“No. It’s not true. Pinky and I didn’t get married,” pagtatapat ni Manzano.

Ito ay sa gitna ng mga usap-usapan na nagpakasal na nang lihim sina Doods at Webb sa ibang bansa.

Nagkataon naman na kadarating lang ni Edu mula sa kanyang paglalakbay mula sa mga bansa ng Asya.

“I just arrived yesterday night,” pagtatapat ni Manzano na ang ibig sabihin ay noong Lunes ng gabi, ika-17 ng Enero, 2011.

“I have offices in various parts of Asia. I tour Asia regularly,” pahayag ng aktor.

Ang pagbibiyahe ni Manzano ay may kaugnayan sa kanyang pagiging miyembro ng International Intellectual Property Alliance kung saan ang bituin ay bahagi ng pribadong organisasyo na ito na nangangalaga ng mga pelikula at musika sa optical media tulad ng CD at DVD.

Matatandaan na naging tagapangulo ni Doods ng Optical Media Board sa Pilipinas bago siya kumandidatong ikalawang pangulo sa pambansang eleksyon noong nakaraang buwan ng Mayo pero sa kasamaang-palad ay natalo ang aktor.

Kaya ito ay pagpapatuloy ng mga responsibilidad ng bituin sa kanyang tungkulin sa puwestong si Ronnie Ricketts na ang umuukupa.

***

Palabas na sa Miyerkules, ika-26 ng Enero, 2011 ang pelikulang “Rindido” ni Jarito na tungkol sa pagpatay ng isang Overseas Filipino Worker sa kanyang kabit na ginagampanan ng mahusay na aktres na si Chanel Latorre nang dahil sa pangangalunya.

Masyadong matindi ang “Rindido” na isa sa limang opisyal na lahok sa digital section ng 2010 Metro Manila Film Festival Philippines.

Ngayong Enero lang ipinalalabas ang mga pelikulang ito na noong nakaraang 2010 MMFFP ay pinangungunahan din nina Adolf Alix, Jr. para sa kanyang “Presa,” Jerrold Tarog para sa kanyang “Senior Year,” Rommel Sales para sa kanyang “Slow Fade” at Jonnah Lim para sa kanyang “Nasaan si Hefty?”

Auteur si Noriel sa kanyang presentasyon sa kanyang pelikula kung saan siya rin ang pangunahing bidang lalaki, editor, scriptwriter, prodyuser at marketing man.

Kabituin niya sina Vic Tiro, Banjo Romero, Gerry Jumawan at iba pa.