Buhay Pinoy

Kasalang Bayan


Sa isang gym ng pampublikong paaralan sa Proj. 6, Quezon City nagpakasal nang sabay-sabay ang halos 300 magkasintahan kamakailan. Karaniwang nagpapakasal hindi sa simbahan, kundi sa kasalang bayan--na iniisponsor ng lokal na mga pulitikong nais makapuntos sa mga botante--ang mga taga-maralitang komunidad na naghahanap ng simple ngunit makabuluhan pa ring seremonya ng pag-iisang dibdib. (Ilang-Ilang Quijano)