Mga Pinoy, nakidalamhati sa mamamayan ng Japan


Nakidalamhati ang mga Pilipino sa mga mamamayan ng Japan na nasalanta sa malakas na lindol at tsunami at ngayo’y humaharap sa isang malagim na krisis nukleyar. Sa isang solidarity action sa Peace Bell sa Quezon City Memorial Circle ngayong gabi, nagpahayag angĀ  Bagong Alyansang Makabayan, Kalikasan- People’s Network for the Environment, Migrante International at iba […]

Kababaihang tutol sa enerhiyang nukleyar, sa isang solidarity action sa Peace Bell, Quezon City Memorial Circle (Soliman A. Santos)

Nakidalamhati ang mga Pilipino sa mga mamamayan ng Japan na nasalanta sa malakas na lindol at tsunami at ngayo’y humaharap sa isang malagim na krisis nukleyar.

Sa isang solidarity action sa Peace Bell sa Quezon City Memorial Circle ngayong gabi, nagpahayag angĀ  Bagong Alyansang Makabayan, Kalikasan- People’s Network for the Environment, Migrante International at iba pang mga organisasyon ng simpatiya sa mga kaanak ng libu-libong nasawi sa trahedya.

Mga nagsindi ng kandila bilang pakikidalamhati sa mga biktima sa Japan, may panawagan ding itigil ang pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant (Soliman A. Santos)

Samantala, nanawagan sila sa gobyerno ng Japan na managot sa krisis nukleyar. Ito ay matapos mapabalita sa pahayagang The Telegraph sa United Kingdom na nagkamali ang Nuclear Safety Commission ng Japan sa pagsabing hindi maaapektuhan ng tsunami ang mga pasilidad pang-nukleyar sa bansa. Umano’y nagsumite rin ang gobyerno ng Japan sa International Atomic Energy Association ng mga dokumento para patunayang tsunami-proof ang kanilang mga planta.

Mahigit 200,000 katao na inilikas matapos sumabog ang tatlong nuclear reactors sa Fukushima plant. Pinangangambahan ang tuluyang nuclear meltdown, na magdudulot ng grabeng pinsala sa kalikasan at kalusugan ng mga mamamayan, hindi lamang sa Japan kundi posible maging sa ibang parte ng mundo gaya ng Pilipinas.

Pahayag ng Bayan, dapat matuto ang Pilipinas sa karanasan ng Japan at tuluyan nang ibasura ang planong pagbubukas muli ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). “If an industrial country like Japan could not assure the integrity of its nuclear plants and simply relies on false safety claims, the Philippines which is way behind Japan in terms of development should take a more cautious path. The BNPP should not blindly rush into projects like the BNPP revival just to attract private and foreign investors,” ayon sa grupo.