BPO workers, kabataan, hinimok na makiisa sa Mayo Uno


Sa unang pagkakataon mula nang pumutok ang Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa, pinaplanong umusad at sumama ang mga manggagawa nito kasama ang Kabataan Partylist sa pagdiriwang ng International Labor Day sa Mayo Uno. Sa panawagan ni Kabataan Rep. Raymond Palatino sa isang press conference na ginawa sa College of Mass Communications sa UP Diliman […]

Mong_BPO_presscon
Hinimok ni Kabataan Rep. Raymond Palatino (ikatlo mula sa kaliwa) ang mga manggagawa sa Business Process Outsourcing firms na sumali sa pagkilos at paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Mayo Uno (Darius Galang)

Sa unang pagkakataon mula nang pumutok ang Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa, pinaplanong umusad at sumama ang mga manggagawa nito kasama ang Kabataan Partylist sa pagdiriwang ng International Labor Day sa Mayo Uno.

Sa panawagan ni Kabataan Rep. Raymond Palatino sa isang press conference na ginawa sa College of Mass Communications sa UP Diliman kahapon, tatlong punto ang kanyang inihapag. “Una, ipatupad ang araw ng Mayo Uno bilang isang holiday, at huwag obligahin ang mga manggagawa ng BPOs na magtrabaho sa araw na iyon.

Pangalawa ay ang paghamon kay Pang. Benigno Aquino III at Department of Labor and Employment na bigyan ng makatuwirang proteksioyn ang mga manggagawang BPO, kasama na rin ang regulasyon sa mga opisina nila, na huwag bigyan ng espesyal na trato tulad ng tax holidays. Ikatlo ang paghimok sa mga manggagawa ng BPOs sa martsa sa Mayo Uno,” ang panawagan ng batang miyembro ng Kamara.

Napapanahon na ang pagkilos ng mga manggagawa ng BPOs ayon kay Palatino, dahil sa kanyang obserbasyon na habang patuloy na lumalago ang industriya ng BPO sa bansa, papalaki rin ang mga problemang kinakaharap ng mga manggagawa rito. “Samu’t saring atake sa lakas-paggawa tulad ng kakulangan sa seguridad sa trabaho, pagbaban sa pag-uunyon at mga problema sa kalusugan at kaligtasan ang nag-uudyok ng pangangailangan nilang magkaisa at sumama sa aksiyon sa Labor Day,” ani Palatino.

Saksi si Janice Mendoza (hindi niya tunay na pangalan) nang magbigay siya ng salaysay ng kanyang karanasan bilang dating call center agent. Binabalikan niya ang kalagayang pangaklusugan niya bago siya matanggal sa kanyang trabaho. “Natunton ko ang mga problema nang nagkasakit ako dahil sa mabigat na workload at pabago bago ng iskedyul ng trabaho. Mahirap dahil madali kang sesentihin kung maghahapag ka ng work-related issues,” ang pagbabalik-tanaw ni Janice. “Una, hindi kami pinapayagang

Sa kanyang karanasan, maraming karamdaman ang maaaring dumapo sa mga manggagawa ng BPOs tulad na lamang ng carpal tunnel syndrome, hypertension dulot ng irate calls ng mga banyaga, urinary tract infection, at cardiovascular illnesses, sa pagbanggit lamang ng iilan.

Sinabi ni Anna Leah Escresa-Colina ng Ecumenical Institute for Labor Education and Research o Eiler na dahil sa kakulangan ng pagkakataong mag-unyon, nawawalan ng boses ang manggagawa ng BPO sa industriyang boses mismo ang puhunan ng mga manggagawa nito.

Isa pang mahalagang punto na inihayag ni Palatino sa press conference ay ang pag-usad ng Pilipinas bilang numero unong BPO hub sa mundo – nakaungops na ang bansa sa India sa industriyang ito. Bagay lamang na dapat bigyang pansin upang bigyan ng mas malaking importansiya ang mga manggagawa nito.

Dugtong pa niya na habang lumaki nang 26% ang industiya ng BPO sa bansa na nagkakahalaga ng $8.9 Bilyon sa taong 2010, hindi ito nagdulot ng mas mabuting kalagayan ng mga manggagawa nito. “Nabubulag tayo sa perang nasa industiya na nakakaligtaan nating makita ang paglaki ng paghihirap na dinaranas ng mga manggagawa nito upang ibigay ang yaman ng industirya.”

Bahagi na rin ng kampanya ng Kabataan Party-list ang pagsusulong ng House Bill 2529 sa Kamara, na naglalaman ng mga probisyon na naglalayong mabigyan ng kasiguraduhan sa trabaho, karapatang mag-organisa ng asosasyon at kasiguradunhan sa kalusugan at kaligtasan ang mga manggagawa sa BPOs.

Inihayag ni Palatino na magtatayo ang Kabataan Party-list ng isang booth sa Liwasang Bonifacio, na nakaistilo sa job-hunting na tema. Ang kaibahan lamang nito, magiging grievance booth ito kung saan maaaring ihapag ng BPO workers ang kanilang mga hinaing sa kanikanilang pinagtatrabahuhan.

Panawagan ni Palatino, magsuot ng pula ang mga sasama sa militanteng pagkilos sa Mayo 1. Kasama na rin nito ang paghimok niyang palaganapin ang panawagang sumama sa pagkilos ang iba pang manggagawa sa mga BPO sa pamamagitan ng social networking sites tulad ng Twitter at Facebook.

Kabatang mag-aaral lalahok sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa

"Kinalampag" ni Einstein Recedes ang imahe ni Pangulong Benigno Aquino III, sa panawagang dagdag-sahod para sa mga magulang ng kapwa niyang estudyante. (Darius Galang)

Samantala, nagpahayag rin ng paglahok sa martsa sa Mayo 1 ang mga estudyante sa pagkilos sa darating na Mayo Uno. Bahagi ito anila na pagpapakita ng suporta sa pangunahing sumusuporta sa kanilang pag-aaral —  ang kanilang mga magulang na kabilang sa sektor ng manggagawa.

Batid ni Einstein Recedes, pangulo ng National Union of Students of the Philippines, na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin at pamasahe, hindi sasapat ang kasalukuyang tantos ng sahod na P404 sa National Capital Region. Kaya panawagan pa rin niya na ibigay na ang matagal nang hinihiling na P125 dagdag sa sahod na across-the-board.

Dugtong pa ni Recedes na kahit maibogay ito, hindi pa rin sasapat ang kabuuan ng arawang sahod sa mahigit P900 na kasalukuyang daily cost of living sa NCR pa lamang. “Panahon na upang ibigay ng pamahalaan ang dagdag-sahod sa aming mga magulang.”

Bukod sa NUSP at ng iba’t ibang konsehong pangkampus na kumakatawan rito, sasama rin ang College Editors Guild of the Philippines at iba pang progresibong grupong kabataan tulad ng Anakbayan at League of Filipino Students sa mga kabataang lalahok sa martsa papuntang Liwasang Bonifacio at Mendiola sa Mayo 1.