Sports

MVP hindi bibilhin ang Sacramento Kings


Malinaw na ang balita – hindi bibilhin ni MVP ang Sacramento Kings. Ilang araw ang lumipas na namayagpag ang usap-usapan na bibilhin ni Manny V. Pangilinan ang Sacramento Kings, prankisang koponan ng National Basketball Association. Napaulat nang may ilang pagpupunlong na ginawa si MVP kay Chris Webber, dating manlalaro ng Kings, ukol sa pagpapagawa ng […]

Malinaw na ang balita – hindi bibilhin ni MVP ang Sacramento Kings.

Ilang araw ang lumipas na namayagpag ang usap-usapan na bibilhin ni Manny V. Pangilinan ang Sacramento Kings, prankisang koponan ng National Basketball Association.

Napaulat nang may ilang pagpupunlong na ginawa si MVP kay Chris Webber, dating manlalaro ng Kings, ukol sa pagpapagawa ng bagong stadium para sa koponan. Bahagi ito umano ng pagpipigil lumipat ng prankisa sa Anaheim sa susunod na taon. Nakahanay ang ilang pribadong investors sa proyektong ito, kasama rito si Pangilinan, upang tumulong sa pagpopondo ng bagong palaruan.

Isang Maloof family ang nagmamay-ari ng Kings at nangakong mananatili ng isa pang taon sa Sacramento. Kung hindi magkakaroon ng panibagong palaruan ang koponan, tutulong naman ang NBA sa paglipat nila sa Southern California.

Hindi ibinunyag agad ni MVP ang kanyang pagpupulong kay Webber, na sinabi niyang “konpidensiyal,” ngunit nagbigay ng pahayag na “kung anuman ang mangyari sa kanyang partisipasyon sa Kings, gagamitin niya ang personal at hindi pondong corporate (ng konglomerong pinamumunuan niya) ang gagamitin.”

Lumabas ang kuru-kuro sa ilang pahayagan noong nakaraang linggo. Sa isang bansang nahumaling sa basketball, kuru-kuro kung magkakaroon nga ng isang Pilipinong magmamay-ari ng isang koponan ng NBA, kung hindi man isang mayor na stakeholder.

May mga nagbalita pa na habang nasa California si Pangilinan ay tutungo siya sa Sacramento upang makipagpulong sa mayor ng Sacramento (at dati ring manlalaro ng NBA) na si Kevin Johnson. Hanggang lumabas ang pahayag ng isang R.E. Graswich, aide ng mayor.

Di hamak na ma-alam si Graswich sa usapan ng koponan – trabaho niya ang alamin ang mga usapin ng Kings, at dati rin siyang Sacramento Bee sports columnist. Nilinaw niya na hindi nakatakdang makipagpulong si Johnson sa negosyante. “I dont know who’s buying out who, but if i were the buyer, i woould need to know what i am buying and the only way to know that is to talk to the owners,” ang pahayag ni Graswich.

Matibay ang kapit ng Maloof sa prankisa kahit may mga usapin nang aalis ang Kings sa Sacramento at nililigawan ng Los Angeles millionaire na si Ron Burkle na bilhin ang koponan.