Sports

Bigo makapunta sa 2012 London Olympics: Smart Gilas, ikaapat sa 26th FIBA Asia Championship


Mainit man ang umpisa, hindi ito natamasa sa huli ng Smart-Gilas sa pagtatapos ng kanilang mala-panag-inip na pakikipagtunggali sa 26th FIBA Asia Championship na ginanap sa Wuhan, China. Masakit na tinapos ng Korea ang pangarap ng Pilipinas na makasungkit ng tiket patungo sa 2012 Olimpiyada nang nakawin nito ang huling yugto ng kanilang paghaharap at […]

Mainit man ang umpisa, hindi ito natamasa sa huli ng Smart-Gilas sa pagtatapos ng kanilang mala-panag-inip na pakikipagtunggali sa 26th FIBA Asia Championship na ginanap sa Wuhan, China.

Masakit na tinapos ng Korea ang pangarap ng Pilipinas na makasungkit ng tiket patungo sa 2012 Olimpiyada nang nakawin nito ang huling yugto ng kanilang paghaharap at masilo ang pagkawagi matapos tila kontrolado na ng Pilipinas ang laban para sa ikatlong puwesto.

At lahat ng aksiyon ay naganap sa huling yugto ng laban.

Ilang pagpupuntos ang isinagawa ng Korea ang nagpababa ng husto sa kalamangan ng Pilipinas, na umabot sa hanggang 11 puntos sa haba ng laban. Bumaba pa ito ng dalawa, matapos ang isang 4-point play ng Korea, at isa, matapos ang mintis na freethrow ng Pilipinas.

Nakatikim ng unang kalamangan ng Korea sa isang 3-pointer ng naturalisado nitong manlalaro na si CJ Moon ilang minuto na lamang ang nalalabi sa 4th quarter, matapos makatikim ng hanggang 11-puntong depisito sa pambansang koponan ng Pilipinas sa buong haba ng laro. Ngunit nagkaroon pa ng pagkakataon na makabalik ng hanggang isang puntos ang Pilipinas.

Hati ang sumunod na freethrow ng Korea anim na segundo ang nalalabi upang umangat sa dalawa muli ang kanilang kalamangan. Nagkaroon ng huling pagkakataon si JV Casio upang itakbo ang bola pababa at makapukol ng huling tira, ngunit walang tinamaan ang kanyang ibinatong 3-pointer.

70-68 ang huling tala ng laban.

Matingkad ang kasaysayan na ginawa ng koponan sa torneo. Tsina lamang ang koponan na nakapagpataob sa Pilipinas sa elimination round. Pinabagsak naman ng Pilipinas ang Chinese Taipei sa quarterfinals upang makaharap ang Jordan sa semifinals, na una na nilang tinalo sa eliminations.

Ito man ang nagtapos sa 24-taong pagkawala sa semifinals ng bansa sa kasaysayan ng torneo,  hindi na nakuhang makaulit ng pambansang koponan at nauwi sa showdown para sa ikatlong puwesto.
Ang magkakampeon sa torneong ito ang tanging makakapasok sa 2012 Olimpiyada sa London.

Ang nanalo bilang ikalawa at ikatlo sa torneo ay makakasali sa world championships ng Fiba sa Hulyo July 2-8 2012. Kasapi rito ang tulad ng Russia, Puerto Rico Costa Rica, Dominican Republic, Greece at Angola, mga bansa na nakakuha ng ikalawa at ikatlong puwesto sa iba pang torneo ng Fiba sa ibang kontinente. Ito rin ang susunod na pagkakataon na magbibigay ng slot para sa 2012 Olympics.