
Hiniling sa Korte Suprema ng iba’t ibang grupo ng mga maralitang lungsod sa ilalim ng Alyansa Kontra Demolisyon (AKD) na maglabas ng temporary restraining order (TRO) sa demolisyon sa mga maralitang komunidad.

“Usad-pagong.” Ganito isinalarawan ni Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares, miyembro ng House Prosecution Team, ang magda-dalawang-linggo nang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Dalawang babaing kongresista ang mahigpit na tumutol sa pinaigting na presensiya ng mga tropang Amerikano sa bansa na inaalok ng administrasyong Aquino sa gobyerno ng Estados Unidos. Anila, labag ito sa soberanya ng bansa at magdudulot ng ibayong kapahamakan sa kababaihan.
Jan 30 2012 | Posted in
Balita,
Kababaihan |
Read More »

Rebyu ng unang pitong episodes ng televised na Chief Justice Corona Impeachment Trial

Dahil sa pagtungo nila sa kanayunan para maglingkod doon, patuloy na nakararanas ang mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas ng panghaharas ng militar
Jan 29 2012 | Posted in
Lathalain |
Read More »

Liham ni Ericson kina Alan Jazmines, Edong Sarmiento, Ed Serrano (mga bilanggong pulitikal) at kay Gang Badoy ng Rock Ed Philippines, sa kalagitnaan ng paglulunsad niya ng hunger strike.
Jan 29 2012 | Posted in
Jailhouse Blog |
Read More »

Ilang araw matapos magsimula ang paglilitis ng Senado sa kasong impeachment ni Chief Justice Renato Corona, nanawagan si Rep. Niel Tupas, Jr. ng prosekusyon na maging mas “liberal” ang Senado sa pagpapatupad ng mga alituntunin sa paglilitis. Hindi ako tagahanga ni Tupas, hindi ko alam kung bakit “Niel” at hindi “Neil” ang ispeling ng pangalan niya, at isa siya sa paglilitis na hitik sa drama ang pagsasalita na parang sabik tumakbong senador sa darating na eleksyon. Nadulas ang dila niya: Ang “liberal” kayang panawagan ay kasingkahulugan ng partidong “Liberal” ni Pang. Aquino?

Nagmartsa patungo sa lugar ng aksidente sa Makati City ang mga kaanak at tagasuporta ng mga biktima ng aksidente sa konstruksiyon ng Eton Residences noong Enero 27. Ginunita nila ang ang aksidente na ikinamatay ng 11 manggagawa matapos bumigay at bumulusok ang gondolang kanilang sinasakyan. Ipinanawagan nila ang hustisya at hiniling na managot ang manedsment [...]
Jan 29 2012 | Posted in
Balita,
Manggagawa |
Read More »

Patuloy ang pagmahal ng presyo ng langis. Kaya para makatipid, kailangan ng isang buong angkan na magmahalan — at sumakay sa iisang traysikel pauwi mula sa isang resort sa Irosin, Sorsogon. ‘Yun nga lang, kailangan ng dagdag-ingat dahil delikado sa haywey. (KR Guda)
Jan 27 2012 | Posted in
Buhay Pinoy |
Read More »

“Kulang na nga, binawasan pa!”
Ito ang sigaw ni Jossel Ebesate, pambansang tagapangulo ng Alliance of Health Workers at punong nars sa Philippine General Hospital, kasama ang iba pang kawani sa kalusugan na nagrali sa gitna ng init ng tanghali, para tutulan ang pagkaltas sa kanilang benepisyo sa harap ng Philippine Heart Center (PHC).
Jan 27 2012 | Posted in
Balita |
Read More »