Uncategorized

Ang class reunion ng batchmates ni Maricel Soriano…bow!


Matagal nang ipinahahanap ng radio broadcaster, aktres at negosyanteng si Yvonne Benavidez, kilala rin sa tawag na Tita Mega C, si Maricel Soriano. Bakit? Kasi’y magkaklase sina Yvonne at Maricel sa elementarya sa St. Mary’s College sa Pasay City noong mga dekada otsenta. Magkatabi sa silid-aralan sina Benavidez at Soriano at magkaibigang matalik ang dalawa […]

Matagal nang ipinahahanap ng radio broadcaster, aktres at negosyanteng si Yvonne Benavidez, kilala rin sa tawag na Tita Mega C, si Maricel Soriano.

Bakit?

Kasi’y magkaklase sina Yvonne at Maricel sa elementarya sa St. Mary’s College sa Pasay City noong mga dekada otsenta.

Magkatabi sa silid-aralan sina Benavidez at Soriano at magkaibigang matalik ang dalawa kahit hanggang sa mga sandaling ito bagamat wala silang paraan para magkakontakan.

Ang huling pagkikita nina Tita Mega C at Marya ay noong mga unang taon ng milenyo o 2000 kung saan at kailan ay magkasosyo ang aktres at ang dating talent manager nitong si Manny Valera.

May restoran pa noon sina Maricel at Manny pero kapagdaka’y isinara na nila ito sa kung anumang kadahilanan.

Pagkatapos noon ay hindi nagkita sina Yvonne at Soriano.

***

Hanggang maging kontrobersyal kamakailan si Marya at si Benavidez naman ay nagsimulang pumalaot muli sa daga-dagatan ng showbiz kabilang ang komersyo ng pagtitinda at pagbebenta ng Vitamin C sa pamamagitan ng Mega C kung saan si Boy Abunda ang nakuha niyang product endorser.

Inasikaso ni Tita Mega C ang kanyang publisidad, Public Relations at advertising kaya naman ito ay showbiz na showbiz maliban pa sa kanyang pagiging aktres noong dekada ostenta sa pakikipagtambal kay Ricky Davao at kay Edu Manzano.

***

Atat na atat si Yvonne na makita si Soriano pagkatapos ng maraming taon dahil sa kanyang tahanan sa Ayala Alabang gagawin ang class reunion nila sa St. Mary’s College kung saan pupunta ang mga nagtapos sa elementarya at mataas na paaralan ng mga pagkakataong ‘yon.

Sinabihan pa ako ni Benavidez na hanapin si Maricel sa lahat ng sulok ng mundo kaya naman nag-text ako sa mga peryodistang pampelikulang maaaring may telephone number ng mahusay na aktres kabilang sina Obette Serrano, Danny Vibas, Dennis Adobas, Gorgy Rula, Erlinda Rapadas T. at marami pang iba.

Nag-text din ako sa seksing aktres na si Maria Isabel Lopez at sa direktor ng pelikulang si Armand Reyes.

Pero negatibo ang sagot niya.

Ayon kay Obette, sa Viva Entertainment gumagawa si Soriano ng proyekto kasama si Viva Ganda bilang ina ng bading na komedyante.

Nagbaka-sakaling si Hermie Go ang Supervising Producer ng pelikula kaya tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot sa aking

***

“Hindi bale,” sagot ni Yvonne.

Baka-sakali anya na sa ibang pagkakataon ay makita at masalamuha nila ang dati nilang kaklase.

Gusto ni Tita Mega C na makausap si Maricel para mapayuhan sa pinagdaraanan nitong problema kabilang ang mga kaso laban sa mga katulong, ang pag-alis sa taping ng isang soap opera sa ABS-CBN kasama si Gerald Anderson at sa umano’y aberya ng paggawa ng obra kasama si Vice.

“Madali lang ‘yan,” ayon kay Benavidez.

“Makakatulong ang spirituality sa aming pag-uusap,” dagdag pa ni Tita Mega C.

***

Natuloy naman kamakailan ang pagtitipun-tipon muli ng mga nagtapos sa St. Mary’s College-Pasay City.

Kahit wala si Maricel ay ginawa nilang masaya at kapaki-pakinabang ang okasyon.

Dumating ang peryodistang pangnegosyo ng Philippine Daily Inquirer na si Margie Quimpo-Espino, ang kapatid ng peryodistang pampelikulang si Tonee Coraza na si Jane Coraza, ang kandidato sa pagkakonsehal ng Nagcarlan, Laguna na si Amie Malabag at marami pang iba na celebrity rin sa kani-kanilang sariling pamamaraan.

“Miss na namin si Maricel kahit sa elementary lang siya namin nakaklase. We wish her luck sa kanyang piangdadaanan,” pahayag ni Jane.

Lahat sila ay nagdarasal na malalagpasan ni Marya ang mga hilahil ng buhay.

Sana naman anila ay sa susunod, makasama na nila si Soriano para lalo pang kumpleto ang diwa ng pagsasama-sama pagkatapos ng pormal na edukasyon sa buhay.