Pambansang Isyu

Di-sapat na badyet pangkalusugan sa 2014, binatikos

Nagprotesta ang iba’t ibang sektor sa pangunguna ng Alliance of Health Workers (AHW) at Health Alliance for Democracy (HEAD) sa harapan ng Batasan Pambansa kahapon sa deliberasyon ng badyet para sa sektor ng kalusugan para ipanawagan ang mas mataas na badyet at paglalaan ng pondo sa pork barrel para sa mga ospital. “Sawa na ang […]

Mga kawaning pangkalusugan, nagprotesta sa Kamara para sa sapat na badyet sa kalusugan sa 2014. (Pher Pasion)

Nagprotesta ang iba’t ibang sektor sa pangunguna ng Alliance of Health Workers (AHW) at Health Alliance for Democracy (HEAD) sa harapan ng Batasan Pambansa kahapon sa deliberasyon ng badyet para sa sektor ng kalusugan para ipanawagan ang mas mataas na badyet at paglalaan ng pondo sa pork barrel para sa mga ospital.

“Sawa na ang mga kawaning pangkalusugan sa walang kuwentang palusot ng gobyerno na wala itong kakayahang pinansiyal para itaas ang badyet para sa kalusugan,” ani Joselle Ebesate, presidente ng AHW.

Sinabi naman ni Geneve Rivera-Reyes, doktor-medikal at pangkalahatang kalihim ng HEAD, na nasa 3.5 porsiyento lamang ng pambansang badyet para sa 2014 na P 80.807 Bilyon ang nakalaan sa serbisyong pangkalusugan.

“Ibig sabihin, makakatanggap lamang ang bawat Pilipino (sa 100 milyong populasyon)  ng PhP 2.21 kada araw na di-sapat para makabili ng isang kapsula ng antibiotic,” sabi pa ni Reyes.

Nakiisa sa panawagang pagdagdag sa badyet sa mga pampublikong ospital si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares. (Pher Pasion)
Nakiisa sa panawagang pagdagdag sa badyet sa mga pampublikong ospital si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares. (Pher Pasion)

Sinabi pa ng AHW na mapupunta pa ang malaking bahagi ng pagtaas sa badyet sa Philhealth at Health Facilities Enchancement Program (HFEP) na nakatuon sa pang-aakit sa mga pribadong negosyante sa pagpapatupad ng public-private partnership ng administrasyong Aquino.

Walang tutunguhin ito kung hindi pribatisasyon ng serbisyong pangkalusugan, dagdag pa ng AHW.

Sa protesta, bitbit din ng mga manggagawang pangkalusugan ang mga plakard at istrimer na nananawagan ng pagbasura ng sistema ng pork barrel na nakapaloob pa rin sa 2014 pambansang badyet.

Ipinanawagan din nila ang pagbasura sa sistema ng pork barrel, at sa halip ay ilaan ang pondo para rito sa mga serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan at edukasyon. (Pher Pasion)
Ipinanawagan din nila ang pagbasura sa sistema ng pork barrel, at sa halip ay ilaan ang pondo para rito sa mga serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan at edukasyon. (Pher Pasion)