Manggagawa

Courage, nagpiket sa BIR laban sa mataas na buwis


Nagpiket ang mga kawani ng pamahalaan sa opisina ng Bureau of Internal Revenues (BIR) para sa nalalapit na palugit ng pagbabayad ng buwis. Pinangunahan ng Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ang nagsabing pagkilos dahil labis na umano ang binabayarang buwis ng mga kawani sa pamahalaan. “Awtomatikong kinakaltas ang mga buwis […]

Galit na sinugod ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng Courage ang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue dahil sa pagpataw ng matataas na buwis sa kanilang mga kawani na maliit din ang suweldo at karamiha'y wala pang benepisyo. Photo courtesy: Courage
Galit na sinugod ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng Courage ang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue dahil sa pagpataw ng matataas na buwis sa kanilang mga kawani na maliit din ang suweldo at karamiha'y wala pang benepisyo. <strong>Photo courtesy: Courage</strong>
Galit na sinugod ng mga kawani ng gobyerno sa ilalim ng Courage ang tanggapan ng Bureau of Internal Revenue dahil sa pagpataw ng matataas na buwis sa kanilang mga kawani na maliit din ang suweldo at karamiha’y wala pang benepisyo. Photo courtesy: Courage

Nagpiket ang mga kawani ng pamahalaan sa opisina ng Bureau of Internal Revenues (BIR) para sa nalalapit na palugit ng pagbabayad ng buwis.

Pinangunahan ng Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ang nagsabing pagkilos dahil labis na umano ang binabayarang buwis ng mga kawani sa pamahalaan.

“Awtomatikong kinakaltas ang mga buwis mula sa sahod ng mga kawani bago pa nila ito matanggap. Kinokulekta ang mga dagdag na buwis sa mga benepisyong lagpas P30,000.00 na may kasamang VAT (value added tax) at iba pang buwis. Maging ang mga benepisyong wala dapat buwis ay binubuwisan,” ayon kay Ferdinand Gaite, pambansang pangulo ng Courage.

Ayon kay Gaite, pasanin ng mga kawani ang BIR at administrasyong Aquino dahil sa mga kinakaltas na buwis sa mga kawaning mababa na ang sahod. Kasabay pa nito ang pagbabawas ng ibang alawans at refund order ng Commission on Audit sa ilalim ni Aquino.

Nasa P9,000 ang gross salary ng isang ordinaryong kawani kada buwan maliban pa sa mga mandatory deductions tulad ng tax, GSIS premiums, Pag-ibig, at kontribusyon sa Philhealth.

“Ang dobleng pasakit ng mataas na buwis at inflation ay sinasabayan ng pribatisasyon na nagdudulot ng pagtaas ng singil sa mga dapat sana’y serbisyong panlipunan gaya ng kalusugan, pabahay, edukasyon, kuryente, tubig, at iba pa. Dito nakadepende ang mga kawani at mahihirap na mamamayan na ngayo’y ibinibigay sa mga negosyante,” ayon kay Gaite.

Dagdag ni Gaite, nangyayari ito sa kabila ng pagkakaroon ng tax holidays at exemptions sa buwis ng mga may monopolyo sa negosyo dahil sa mga kasalukuyang polisiyang pinatutupad ng kasalukuyang administrasyon.

“Hindi pa natin nakikita na maparusahan ang mga malalaking negosyante na hindi nagbabawad ng buwis,” pagtatapos ni Gaite.