Pambansang Isyu

Panggigipit kay Tinio na nagsiwalat ng bagong pork barrel ni Aquino, kinondena ng akademya


Nagkaisa ang iba’t ibang akademiko para suportahan ang ginawa ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na pagsiwalat ng bagong paraan ng congressional pork barrel sa Kamara. Anila, Dahil sa walang interes ang administrasyong Aquino na tanggalin ang ganitong ilegal na sistema sa gobyerno. Kaya maging sila, nananawagan na rin sa mga mamamayan na patalsikin sa […]

Nagpahayag ng suporta ang Pambansang Alagad ng Sining na si Bien Lumbera laban sa patuloy na pag-iral ng pork barrel.Pher Pasion
Kinundena ng mga guro ang panggigipit umano kay  ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at nagpahayag ng pagpapatuloy ng laban sa umiiral pa ring sistema ng pork barrel sa ilalim  ng gobyernong Aquino.<strong>Pher Pasion</strong>
Kinondena ng mga propesor at miyembro ng akademya ang panggigipit kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio sa harap ng pagsisiwalat niya sa audio recordings na naglalaman ng pag-amin ng mga opisyal ni Aquino na may bagong congressional  pork barrel. Pher Pasion

Nagkaisa ang iba’t ibang akademiko para suportahan ang ginawa ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na pagsiwalat ng bagong paraan ng congressional pork barrel sa Kamara.

Anila, Dahil sa walang interes ang administrasyong Aquino na tanggalin ang ganitong ilegal na sistema sa gobyerno. Kaya maging sila, nananawagan na rin sa mga mamamayan na patalsikin sa puwesto ang anila’y hari ng pork barrel na si Pangulong Aquino.

“Niloloko ni Aquino ang taumbayan. Ipinagpapatuloy niya ng palihim ang ipinagbawal na na pork barrel system o PDAF (Priority Development Assistance Fund). Nilabag niya ang Konstitusyon at batas. At ngayong ibinasura na ang ating impeachment complaint, lalo pa at nanawagan na siya (Aquino) ngayon na baguhin ang Konstitusyon upang panatilihin ang sarili sa poder. Wala pong iba pang maaaring gawin ang mamamayan kundi patalsikin si Pang. Aquino,” sabi ni Tinio.

Panggigipit kay Tinio

Ilan sa mga alyado ni Aquino sa Kamara ang tumuligsa kay Tinio at nagbanta na iharap siya sa Ethics Committee ng Kamara para bigyan umano ng parusa sa paglalantad ng nabanggit na audio recordings.

ACT Teacher's Rep. Antonio Tinio sa press conference sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman kaugnay ng pagbasura sa ikaapat na impeachment case laban kay Aquino.<strong>Pher Pasion</strong>
ACT Teacher’s Rep. Antonio Tinio sa press conference sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman kaugnay ng pagbasura sa ikaapat na impeachment case laban kay Aquino.Pher Pasion

Ayon kay Gerry Lanuza, propesor at tagapangulo ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy in UP (Contend-UP), kabayanihan ang ginawa ni Tinio. Sa kabila umano ng maraming banta, ipinagpatuloy pa rin niya na ilabas ang katotohanan at hanggang sa kasalukuyan hindi pa rin ito natitinag.

“Nalulungkot kami kasi baliktad na ang ating lipunan, baliktad na ang ating mundo. Ang mga nagsasabi ng katotohanan, sila na ngayon (ang pinararatangang) sinungaling. Ang mga sinungaling ngayon, sila ang bida. Ang mga kriminal, sila na ang mga diyos at santo. Ang magigiting na nagpapahayag ng katotohanan, sila na ngayon ang kinakasuhan,” ani Lanuza.

Hindi rin umano maaaring pagtularin sina Tinio at Aquino. Nagpahayag kasi ang isang kongresista na ipokrito raw si Tinio sa pagtuligsa sa maling ginagawa ni Aquino para makuha ang “good intentions” dahil ganito rin daw si Tinio sa ginawa niyang pagrerekord.

Ayon kay Lanuza, mali ang paraan na ginamit ni Aquino at mali ang goal ng presidente. Samantalang ang ginamit ni Tinio ay tama ang pamamaraan at tama din ang intensiyon.

“Tumpak, wasto at dapat lamang niyang ginawa (ito) dahil ang pinag-uusapan natin ay pera ng bayan at dapat ito talaga ay isinisiwalat at nakikita ng mga tao sapagkat tayo rin ang nagbabayad ng tax at hindi dapat minomonopolisa ng mga mambabatas para sila lamang ang mag-decide ng hatian,” dagdag ni Lanuza.

Ganito din ang paniwala ni Bienvenido Lumbera, pambansang alagad ng sining at isa sa pumirma ng ikaapat na impeachment complaint, na nagsabing hindi usapin kung legal o ilegal ang ginawa ni Tinio, kundi kung ano ang laman ng impeachment charge na ito.

“Ang mahalagang makita ng publiko ay ang patagong paglabag ng presidente at kanyang mga tauhan sa batas sa sinumpaan ng pangulo at tahasang paglabag sa Konstitusyon. Ang dapat pagtalunan ay hindi kung ano ang ginawa ni Congressman Tinio na dapat parusahan ng Kongreso, kundi kung ano ang nilalaman ng impeachment charge,” ayon kay Lumbera.

Nagpahayag ng suporta ang Pambansang Alagad ng Sining na si Bien Lumbera laban sa patuloy na pag-iral ng pork barrel.<strong>Pher Pasion</strong>
Nagpahayag ng suporta ang Pambansang Alagad ng Sining na si Bien Lumbera laban sa patuloy na pag-iral ng pork barrel.Pher Pasion

Nagkuntsabahan

Nahalata na umano ng ACT na posibleng nagkuntsabahan ang administrasyon at ng Kamara sa pagtanggap pa lamang ng ikaapat na impeachment complaint laban kay Aquino noong Lunes.

Pahirapan daw kasi bago ito tanggapin ng records. Agad naman itong ibinasura ilang oras matapos tanggapin noong araw ding iyon.

“Nalulungkot ang kaguruan sa pagbasura ng impeachment complaint. Nakikita natin na sa kabila ng desisyon ng Supreme Court na ilegal at unconstitutional (ang pork barrel),ipinagpapatuloy pa pala (ng administrasyon),” ani France Castro, pangkalahatang kalihim ng ACT.

Tuloy ang laban

Nakiisa ang mga guro sa gagawing malaking pagkilos laban sa pork barrel sa Agosto 25, bisperas ng isang taon matapos ang Million People March.

“Sa Agosto 25, muli nating irerehistro sa kasaysayan sa usapin ng pagsama at pakikiisa sa malawak na masa upang itaguyod na mapatalsik dito ang walang kakuwenta-kuwentang pangulo, pahirap sa masa at talamak sa korupsiyon,” ayon naman kay Felix Farinas, mula sa All UP Worker’s Union.

Tutol din sila sa anumang hakbang para sa Charter Change na naglalayon umanong palawigin pa ang termino ni Aquino at pahinain ang kapangyarihan ng Korte Suprema.

“Hindi lamang dapat sampahan (sila) ng impeachment kundi dapat dumulo ito sa kanyang (Aquino) pagpapatalsik sa pamamagitan ng lakas at pagkakaisa ng mga mamamayan,” ayon kay Lanuza.