Kababaihan

‘Gobyerno, lumalabag sa karapatan ng katutubong kababaihan’


Nagprotesta ang katutubong kababaihan sa paanan ng Mendiola sa Maynila para tutulan ang mga paglabag ng administrasyong Aquino sa kanilang mga karapatan sa lupaing ninuno. Pinangunahan ng BAI, alyansa ng katutubong kababaihan, ang pagkilos na bahagi 16 na araw na pagkilos para wakasan ang karahasan sa kababaihan. “Sila’y nasasalanta ng mga proyektong ‘pangkaunlaran’ kaakibat ng […]

Nagprotesta ang katutubong kababaihan sa paanan ng Mendiola para iparating ang nararanasan sa ialim ng administrasyong Aquino. Pher Pasion
    Nagprotesta ang katutubong kababaihan sa paanan ng Mendiola para iparating ang nararanasan sa ialim ng administrasyong Aquino. <b>Pher Pasion
Nagprotesta ang katutubong kababaihan sa paanan ng Mendiola para iparating ang kanilang mapait na karanasan sa ilalim ng administrasyong Aquino. Pher Pasion

Nagprotesta ang katutubong kababaihan sa paanan ng Mendiola sa Maynila para tutulan ang mga paglabag ng administrasyong Aquino sa kanilang mga karapatan sa lupaing ninuno.

Pinangunahan ng BAI, alyansa ng katutubong kababaihan, ang pagkilos na bahagi 16 na araw na pagkilos para wakasan ang karahasan sa kababaihan.

“Sila’y nasasalanta ng mga proyektong ‘pangkaunlaran’ kaakibat ng malawakang military operations. Sa mga katutubo sa Mindanao, nagpapatuloy ang paglikas ng kanilang pamilya kung kaya narito sila para ipahayag ang nangyayari sa Mindanao na gutom at kawalang kapayapaan,” ayon kay Kakay Tolentino, miyembro ng tribong Dumagat at national coordinator ng BAI.

Ayon kay Tolentino, gobyerno ang pangunahing lumalabag sa kanilang mga karapatan bilang katutubong kababaihan.

Pananakop

Ayon sa grupo, isa sa problemang kinakaharap ng katutubo ang kontra-insurhensyang polisiyang Oplan Bayanihan. Dahil sa tumitinding pananakop ng militar sa kanilang lugar, may sari-saring paglabag sa karapatan ng katutubo ang nagaganap.

Halimbawa nito ang naging pagpatay diumano ng 27th Infantry Batallion ng Philippine Army kina Juvy Capion at dalawa niyang anak noong Oktubre 18, 2012 sa Sityo Datal-Alyongm Barangay Danlag, Tampakan.

Nauna nang itinanggi ng militar ang akusasyon at sinabing engkuwentro ang nangyari sa pagitan nito at mga rebelde.

Aktibo sa paglaban sa operasyon ng Xstrata-Sagittarius Mines Inc (SMI) ang asawa ni Juvy na si Daguil Capion na isang lider-katutubo ng tribong B’laan.

Sa kasalukuyan, nasa 46,000 hanggang 50,000 puwersang militar o tinatayang 60 porsiyento ng kabuuang lakas ng AFP ang inilagay sa Mindanao.

Sayaw sa dugo. Ganito simbolikong sumayaw ang mga katutubong kababaihan na may pinturang pula sa paa bilang simbolo ng pamamaslang sa ilalim ng administrasyong Aquino. <strong>Pher Pasion</strong>
Sayaw sa dugo. Ganito simbolikong sumayaw ang mga katutubong kababaihan na may pinturang pula sa paa bilang simbolo ng pamamaslang sa ilalim ng administrasyong Aquino. Pher Pasion

Ayon sa BAI, may 50 pamamaslang sa katutubo na gawa diumano ng AFP at mga grupong paramilitar ngayong panahon ni Pangulong Aquino. Sa 50 napaslang, anim ang katutubong kababaihan at pito naman ang katutubong bata.

“Magdudulot lang ng mas higit pang pamamaslang at paglabag sa karapatang pantao ng katutubo at iba pang sektor ang militarisasyon sa Mindanao. Ginawang warzone ni Aquino ang isla sa halip na itulak ang tunay na kapayapaan sa Mindanao,” ayon kay Tolentino.

Kaunlaran sa iilan

Para sa BAI, malaki ang pananagutan ng administrasyong Aquino sa karahasang nararanasan ng kababaihang katutubo dahil sa mga polisiyang pang-ekonomiya nito.

Halimbawa dito ang pagpapasok ng administrasyong Aquino sa malalaking multi-nasyunal na kompanya ng mina na sumisira sa kalikasan at nagtataboy sa katutubo mula sa kanilang lupaing ninuno.

Hindi rin maihihiwalay ang militarisasyon sa operasyon ng large-scale mining sa bansa.

Ayon pa sa BAI, hindi bababa sa 100,000 katutubo mula sa 39 na tribo sa buong bansa ang maitataboy sa kanilang mga lupain o mawawalan ng kanilang kabuhayan dahil sa pagmimina sa mga lupaing katutubo.

“Ang malalaking negosyong ito na large-scale mining ang kalakhan ay sumisira sa pang-ekonomiyang sitwasyon ng mga komunidad ng katutubo. Dahil ang pagpapakain at pag-aalaga sa pamilya ay pasan-pasan ng katutubong kababaihan, sila ang pangunahing tinatamaan ng pagkawala ng kanilang lupain at kabuhayan,” ani Tolentino.

Para naman kay Gemma Danan ng Central Luzon Aeta Association (CLAA), hindi pag-unlad ang mga proyekto ng gobyerno tulad ng Balog-Balog Dam sa Tarlac dahil naaagawan ang katutubo ng lupaing sinasaka.

“Ibigay sa katutubo ang lupa dahil ang lupa’y siyang yaman na (aming) ibibigay sa aming salinlahi,” ani Danan.

Kinakaharap din nila ang pangangamkam sa lupa ng malalaking kompanya na kasosyo ng mga dayuhan gaya ng Aboitiz Power Plant sa Porac, Pampanga.

“Sa araw na ito, ang katutubong kababaiha’y bumabangon para sa hustisya. Hinaharap natin ang militarisasyon sa ating komunidad at paglabag sa ating mga karapatang pantao. Naghihirap tayo at walang matirhan dahil sa pandarambong sa ating mga lupaing ninuno. Ito ang pinakamalalang porma ng karahasan laban sa katutubong kababaihan na dapat wakasan,” pagtatapos ni Tolentino.