Kabataan

DOTC, sinugod ng kabataan dahil sa taas-pasahe sa MRT, LRT


Nagprotesta ang grupo ng kabataan sa harap mismo ng tanggapan ng Department Transportation and Communication (DOTC) sa Mandaluyong City para ipatigil ang dagdag-pasahe sa tatlong tren sa Metro Manila. Ayon sa Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (Karatula) at Anakbayan ang nasabing protesta, hindi makatarungan ang taas-pasahe sa Metro Rail Transit (MRT-3) at Light […]

Binato ng pintura ang mga mukha nina Noynoy Aquino at Sec. Abaya bilang pagpapakita ng kabataan ng kanilang pagkadisgusto sa taas-pasahe ng MRT at LRT. Pher Pasion
Nagpiket ang kabataan sa harapan ng Department of Transportation and Communication para ipatigil ang taas-pasahe sa MRT at LRT. <strong>Pher Pasion</strong>
Nagpiket ang Kabataan sa harap ng Department of Transportation and Communication para ipatigil ang taas-pasahe sa MRT at LRT. Pher Pasion

Nagprotesta ang grupo ng kabataan sa harap mismo ng tanggapan ng Department Transportation and Communication (DOTC) sa Mandaluyong City para ipatigil ang dagdag-pasahe sa tatlong tren sa Metro Manila.

Ayon sa Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan (Karatula) at Anakbayan ang nasabing protesta, hindi makatarungan ang taas-pasahe sa Metro Rail Transit (MRT-3) at Light Rail Transit LRT-1 at LRT-2) dahil dapat na pampublikong serbisyo ito sa mga mamamayan.

Hirap na umanong makapasok sa mga pamantasan ang kabataan dahil sa taas ng singilin sa mga unibersidad. Isang malaking pasanin pa ang pagtaas ng pamasahe sa MRT at LRT, ayon sa grupo.

“Maraming kabataang estudyante ang lubhang naaapektuhan sa pagtataas ng pasahe dahil sa patung-patong na gastusin meron na sa eskuwelahan. Hindi na mapagkasya ang aming mga baon sa pamasahe pa lamang. Ni hindi naman nadaragdagan ang sahod ng aming mga magulang,” ayon kay Orly Putong, tagapagsalita ng Alay Sinig-Karatula.

Binato ng pintura ang mga mukha nina Noynoy Aquino at Sec. Abaya bilang pagpapakita ng kabataan ng kanilang pagkadisgusto sa taas-pasahe ng MRT at LRT. <strong>Pher Pasion</strong>
Binato ng pintura ang mga mukha nina Pangulong Aquino at DOTC Sec. Emilio Joseph Abaya bilang pagpapakita ng kabataan ng disgusto sa taas-pasahe ng MRT at LRT. Pher Pasion

Pag-aabandona ng gobyerno sa pagbibigay ng batayang serbisyo sa transportasyon sa mga mamamayan ang pagtaas ng pasahe MRT at LRT.

“Hindi maaaring tanggalin ang pananagutan ng gobyerno rito. Mas mainam kung mabigyan din ang ibang rehiyon ng tren. Pero ang ipapasan sa taumbayan ang dagda-pasahe para rito, hindi ito makatarungan. Lalo na sa panahon na ngayon na nag-uumapaw pa rin sa pork barrel ang pambansang badyet natin,” ayon kay Michael Beltran ng Karatula.