Fernandina
(Alay sa makulay na alaala ni Ka Lorena Barros na nakasama namin noong 1969 sa UP Writers Workshop sa Iloilo, sumapi sa Malayang Kilusan ng Kababaihan o MAKIBAKA, namundok sa panahon ng diktadura, at napatay sa isang engkuwentro habang pinatatakas ang nakubkob na mga kasama) nilanggam namutla mo nang mukha fernandina habang nakatimbuwang sa masukal […]
(Alay sa makulay na alaala ni Ka Lorena Barros na nakasama namin noong 1969 sa UP Writers Workshop sa Iloilo, sumapi sa Malayang Kilusan ng Kababaihan o MAKIBAKA, namundok sa panahon ng diktadura, at napatay sa isang engkuwentro habang pinatatakas ang nakubkob na mga kasama)
nilanggam
namutla mo nang mukha
fernandina
habang nakatimbuwang
sa masukal na kakahuyan
katawang tinadtad ng punglo
di nahugasan ng tikatik na ulan
fernandina
dugong bumulwak sa dibdib
sa hita at tiyan
humalik na ang namuong hamog
sa gilid ng mga matang nakakilala
sa pait at dusa ng buhay ng masa.
wala ni isa mang bituin
ang gabing nagdaan
fernandina
nagtago pati mukha ng buwan
umiwas sa mga putok ng baril
ngunit di ka umurong
fernandina
di natinag sa pagtatanggol
di binitiwan ang gatilyo ng kalayaan
pinatakas ang nakubkob na mga kasama
alang-alang sa bansang pinakasisinta
tagulaylay ng hangin
ng giniginaw na umaga
sa iyo’y tanging nagharana
fernandina.
mananatili kang monumento sa alaala
banayad mang humalik sa lupa
mga tuyong dahon ng gunita
fernandina
muli’t muling sisibol
sa pusod ng bundok
o dibdib ng lungsod
binhi ng pag-ibig
sa layang pinakamimithi
habang dinidilig ng dugo
ng mga kagaya mo
fernandina
lupaing binaog
ng inhustisya’t pagsasamantala.
fernandina
muli’t muli kang mabubuhay
sa magkakarugtong na mga ugat
ng mga biktima’t inalipin
ng uring mapagsamantala
magniningning din ang mga bituin
sa pusikit na karimlan
manunumbat ang buwan
at aawitin ng marahas na hangin
kadensa ng martsa
ng milyun-milyong mga paa
sa bantayog ng laya…
mabuhay ka, fernandina!
FERNANDINA
(English version)
ants crawled on your pallid face
fernandina
while sprawled-out on the shrubby hill
your fallen body with bullet holes
the spattering rain did not wipe out
the blood that sprung
from your chest, belly and thighs
the crystal-like dewdrops
kissed the corners of your eyes
which had fathomed
the grief and misery of the oppressed class.
not a single star twinkled last violent night
even the moon’s face hid beneath the black clouds
amidst the staccato of gunfires
but you did not retreat
fernandina
you stood firmly
you grasped tightly
the blazing gun of freedom
and let your collared comrades
break out to safety for your beloved land
only the whispering wind of the chilly morning
sung you a familiar lullaby
fernandina.
monument you will remain in our memories
even though the dried leaves of togetherness
will begin to gently kiss the muddy soil
fernandina
the seed of undying love
for glory and freedom of our disenchanted land
will always sprout and bloom
in the mountain’s belly
in the city’s breast
while the blood of those like you
fernandina
is being shed on the land made barren
by exploitation and injustices.
fernandina
you will live forevermore
in the conjoining veins of the enslaved victims
of the exploitative class
the stars will soon be brilliant
in the darkness of night
the moon will execrate the demigods on earth
and the gyrating wind will hum the cadences
of marching millions of feet
in the memorial of freedom…
long live, fernandina!