Kababaihan Karapatang Pantao

Planong paglipat kay Silva, dalawa pa tinututulan


Sumugod ang iba’t ibang grupo sa Kampo Crame sa Quezon City para tutulan ang planong paglipat sa tatlong bilanggong politikal patungo sa magkakahiwalay na kulungan sa Taguig City at Bacoor, Cavite. Nagsumite umano ng kahilingan si Philippine National Police (PNP) Superintendent Danilo Macerin, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region, na ilipat ang […]

Dala ng mga lider ang kanilang sulat para sa opisyal ng Philippine National Police para ipahayag ang kanilang pagtutol sa paglipat ng mga bilanggong politikal. Pher Pasion

"Dala

Sumugod ang iba’t ibang grupo sa Kampo Crame sa Quezon City para tutulan ang planong paglipat sa tatlong bilanggong politikal patungo sa magkakahiwalay na kulungan sa Taguig City at Bacoor, Cavite.

Nagsumite umano ng kahilingan si Philippine National Police (PNP) Superintendent Danilo Macerin, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region, na ilipat ang bilanggong politikal na si Adelberto Silva sa Special Intensive Case Area sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Samantala, nais namang ilipat sina Sharon Cabusao (asawa ni Silva) at Isidro de Lima sa Bacoor City Jail sa Cavite.

“Hindi nga dapat sila inaresto, una pa lang. Ngayon, magdadagdag pa ng insulto ang PNP sa rekomendasyong ilipat sila sa mga kulungang mas masahol ang kalagayan kesa sa Kampo Crame,” ayon kay Lana Linaban, pangkalahatang-kalihim ng Gabriela Women’s Party.

Hindi umano makatao ang gagawing paglipat dahil sa kasalukuyang kondisyon sa kalusugan ng mga nasabing bilanggong politikal. Tiyak na magpapalala lamang ng kanilang mga karamdaman ang gagawing paglipat.

"Nagpiket

Sumailalim na sa angioplasty ang 67-taong gulang na si Silva. Hinaharap naman ni Cabusao ang sakit na leukemia at may sakit sa kaniyang thyroid. Samantala, may hypertension naman si Silva.

Inaresto sina Silva nitong Hunyo 1 sa Molino, Bacoor, Cavite sa mga kasong multiple murder sa Aparri, Cagayan, at sa Laoang, Northern Samar kahit na protektado dapat  si Silva ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees bilang National Democratic Front Consultant on peace process.

Samantala, kinasuhan sina Cabusao at de Lima ng pagkakanlong ng isang pugante. Humaharap din ang tatlo sa kasong illegal possession of firearms and explosives.

Nakatakda namang maglunsad ng serye ng pagkilos ang Free Sharon Cabusao Campaign para palayain si Cabusao at dalawa pa niyang kasamahan. Kabilang na dito ang paghahain ng reklamo sa Commission on Human Rights sa July 2 kasabay ng kanilang gagawing Global Day of Action para kumalap ng suporta sa ibayong dagat.