Pinoy Weekly
Posts tagged as: Mendiola

Larawan: Protesta ng kabataan, obrero sa Mendiola vs madugong demolisyon sa Paranaque, dinahas din

Pero iginiit ng mga maralita ang kanilang karapatang magprotesta sa naturang lugar. (Macky Macaspac)

Nagprotesta ang militanteng mga grupo tulad ng Anakbayan at Kilusang Mayo Uno (KMU) kanina, Abril 25, sa Mendiola, Manila para kondenahin ang marahas na demolisyon ng kabahayan at tindahan sa Silverio Compound sa Paranaque na ikinamatay ng isa, at ikinasugat ng maraming iba pa

Larawan: Kabataan na ‘ookupa’ sa Mendiola, hinarang ng pulis

PW-campout-day-1-featured

Nagmartsa sila patungong Mendiola para doon magkampo laban sa “krisis, kaltas-badyet at kahirapan.” Pero hinarang ang kabataan at iba pang sektor sa Morayta at Recto Avenue. Binasa pa sila ng water cannon.

Landas ng impunity, patungong Malakanyang

PW-new-featured-ampatuan-massacre-commemoration

Sa protestang pinangunahan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), iba’t ibang grupo ng midya, guro at mga estudyante ng pamamahayag, grupong pangkarapatang pantao at militanteng mga grupo, inirehistro ang pagkabahala ng marami: Dalawang taon matapos ang masaker ng 58 katao, kabilang ang 33 mamamahayag, malayung malayo pa rin bago makamit ang hustisya.

Kababaihan laban sa kasakiman

PW-new-featured-national-womens-day-of-protest-2011

Sa paggunita sa unang malaking protesta kontra sa diktadurang Marcos na pinangunahan ng kababaihan noong Oktubre 28, 1983, muling dumagsa ang libong kababaihan patungong Mendiola. Kinondena nila ang kartel ng langis na kumakamal ng kasakiman ng dambuhalang mga tubo habang lugmok sa hirap at gutom ang bayan.

Occupy Mendiola: Pagkampo ng magsasaka sa Mendiola vs monopolyo sa lupa, Cha-cha

PW-video-occupy-mendiola

Okupasyon sa Mendiola, malapit sa palasyo ni Pangulong Aquino, ang isinagawa ng mga magsasaka para igiit ang kanilang karapatan sa lupa, sa kabila ng tumitinding pangangamkam at Charter Change.

‘Kalupitan ng batas militar ni Marcos, nagpapatuloy kay PNoy’

Patuloy na nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan ang administrasyong Aquino sa malalang lagay ng karapatang pantao sa bansa, ayon sa grupong pangkarapatang pantao na Karapatan, sa okasyon ng ika-39 anibersaryo ng batas militar ng diktadurang Marcos.

Katutubo, nagrali vs pagpapabaya ng gobyerno, pang-aabuso

Sinalubong ng protesta nang iba’t bang tribung katutubo ang Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo sa Mendiola, kanilang binatikos ang “kapabayaan” sa kanila ng gobyerno at ang lumalalang kaso ng pag-abuso sa karapatang pantao ng mga ito.

Larawan: Magkano ang desisyon vs manggagawang bukid ng Luisita? – Anakpawis

“Sa magkanong halaga?” Ito ang tanong ng Anakpawis Party-list sa Korte Suprema, kapalit diumano ng desisyon nito na magsagawa ng referendum sa Hacienda Luisita sa halip na ipamahagi ang lupa sa mga manggagawang bukid ng asyenda. Sa kilos-protesta sa Mendiola noong Hulyo 20, binatikos nila ang pagpabor ng Korte Suprema sa pamilyang Cojuangco-Aquino. (Macky Macaspac)

Nalalapit na SONA ni PNoy, ipinrotesta ng kababaihan

Dumagsa ang daan-daang kababaihan mula sa militanteng grupong pangkababaihan na Gabriela sa Mendiola malapit sa Malakanyang upang ihayag ang diumano’y tunay na kalagayan ng kababaihan at mamamayan.

Ikatlong taon ng pagkamatay ni Ka Bel, ginunita ng protesta para sa dagdag-sahod

Sa porma ng protesta para sa makabuluhang dagdag-sahod pinakamakabuluhang ginunita ng mga manggagawa ng Kilusang Mayo Uno ang alaala ng dakilang lider-obrero na si Crispin “Ka Bel” Beltran.

Multimedia

Log in | Designed by Gabfire themes