MMA Champ St. Pierre bilib kay Pacquiao
Isa pang pound-for-pound king sa kanyang disiplina ang pumanig at naniwala sa kakayanan ni Manny Pacquiao pagdating sa ideyang laban niya laban kay Floyd Mayweather Jr. Ito ang paniniwala ni Georges St-Pierre, ang kasalukuyang kampeon sa Ultimate Fighting Championship welterweight division at ang top pound-for-pound fighter sa larangan ng mixed martial arts, sa kanyang pagtungo […]
Isa pang pound-for-pound king sa kanyang disiplina ang pumanig at naniwala sa kakayanan ni Manny Pacquiao pagdating sa ideyang laban niya laban kay Floyd Mayweather Jr.
Ito ang paniniwala ni Georges St-Pierre, ang kasalukuyang kampeon sa Ultimate Fighting Championship welterweight division at ang top pound-for-pound fighter sa larangan ng mixed martial arts, sa kanyang pagtungo sa bansa. Dito, naengganyo niya ang fans ng mixed martial arts.
Isa lang ang sambit ng tubong Canada na si St. Pierre: “I think Pacquiao will win.Knowing that Pacquiao is a big, big threat for him, I think he doesn’t want to have that fight because he has a lot to lose.”
Sumailalim si St. Pierre sa pagsasanay sa boksing kay Freddie Roach. Bagay na aniya’y nagpalalim sa kanyang kaalaman at teknik sa larangan sa boksing. “I owe a lot to him,” sambit ni St-Pierre, na bukod sa boksing ay may disiplina rin sa Brazilian jiu-jitsu at Muay Thai. “He showed me how to win. He taught me what I need to do in the Octagon to become champion. He guided me to where I am today.”
Dagdag pa ni St. Pierre, lumakas ang kanyang mga suntok sa ilalim ng pagsasanay sa training coach ni Pacquiao, dulot ng pagiging teknikal nito.
Humirit rin si St. Pierre na sumama sa kampo ni Pacquiao sa kasalukuyang pagsasanay ng Pambansang Kamao sa isang Quezon City gym.
Ngunit ng tinanong si St. Pierre kung magiging matagumpay si Pacquiao sa mixed martial arts, hindi sumangayon ang kampeon ng mma. “Boxing is totally different from what we do,” saad ni St-Pierre. “But if he would take lessons in jujitsu, he may get a shot at it (na lumaban sa loob ng octagon ng UFC). But I doubt he’ll do it.”
Sumasailalim sa kasalukuyan si St. Pierre sa pagsasanay tungo sa laban niya kay Josh Koschek, na isang welterweight title match. Sambit ni “Rush” St. Pierre na siya ang magtatagumpay sa nakaambang sagupaan. “I think I know him more than he knows himself,” sambit ng kampeon sa nalalapit na pakikitunggali niya kay Koschek. “I am confident about that match. Koscheck can just say anything he wants. I am prepared for him.”
Mas tinitignan pa ng mga MMA fans ang maaaring pagharap niya kay Anderson Silva, ang dating welterweight champion ng MMA, dahil parehas na teknikal ang dalawang mandirigma ng octagon sa kani-kanilang disiplina, bukod sa parehas na karanasan at pagsasanay sa disiplinang marial arts.