Petisyon laban kay Palparan inihain sa Kamara


Naghain noong Abril 28 ang militanteng mga grupo ng Petition for Quo Warranto laban kay retiradong Maj. Gen. Jovito Palparan sa House of Representatives Electoral Tribunal. Inihain ang petisyon ng Gabriela Womens Party, Bayan Muna, Bagong Alyansang Makabaya, Hustisya, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at NAFLU-Kilusang Mayo Uno. Nakasaad sa petisyon na hindi karapat-dapat si Palparan, […]

Naghain noong Abril 28 ang militanteng mga grupo ng Petition for Quo Warranto laban kay retiradong Maj. Gen. Jovito Palparan sa House of Representatives Electoral Tribunal. Inihain ang petisyon ng Gabriela Womens Party, Bayan Muna, Bagong Alyansang Makabaya, Hustisya, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at NAFLU-Kilusang Mayo Uno.

Nakasaad sa petisyon na hindi karapat-dapat si Palparan, tinaguriang “berdugo” ng mga aktibista, na maging nominado ng Bantay party-list dahil hindi siya kabilang sa mga sektor na “marginalized” at “underrepresented.”

Binanggit ng petisyon ang desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Ang Bagong Bayani – OFW Labor Party vs. Ang Bagong Bayani- OFW Labor Party Go! Go! Philippines, et al. na nagsasabing ang mga kabilang sa sektor na “marginalized” at “underrepresented” lamang ang maaaring umupo bilang kinatawan ng party-list.

Ayon kay Palparan, kinakatawan niya ang mga security guard, rebel returnees, at miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit.

Ayon kay Gabriela Rep. Liza Maza, “Hindi mapapatawad ang pagpayag na makapasok sa Kongreso ang mga mersenaryo gaya ni Palparan. Dapat siyang panagutin sa lahat ng mga buhay na kanyang sinira.”

Tinutukoy ni Maza ang mga biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang at sapilitang pagdukot sa ilalim ng mga yunit na pinamumunuan ni Palparan bilang dating nakatataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines. Kabilang dito ang magkapatid na Raymond at Reynaldo Manalo na may “direktang kinalaman” si Palparan sa pagdukot, ayon sa desisyon ng Court of Appeals noong nakaraang taon.