Right of Reply Bill, nilabanan ng midya


NAGPROTESTA sa harap ng Kogreso ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), kasama ang ilang miyembro ng midya, para tutulay ang panukalang batas na Right of Reply Bill (RORB). Nagsuot ng itim na damit at headband ang mga nakiisa sa nasabing pagkilos, na may slogan […]

NAGPROTESTA sa harap ng Kogreso ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), kasama ang ilang miyembro ng midya, para tutulay ang panukalang batas na Right of Reply Bill (RORB).

Nagsuot ng itim na damit at headband ang mga nakiisa sa nasabing pagkilos, na may slogan na “No to Right  Reply  Bill.”

Sa pakikipagdiyalogo kay House Speaker Nograles ng ilang organisasyon ng midya kasama ang NUJP, CEGP, Philippine Center for Investigative Journalism, Center for Media Freedom and Responsibility, Philippine Press Institute, ABS-CBN, ABC 5 at Pinoy Weekly, iginiit nila na ang RORB ay paglabag sa Article 3, Section 4 ng 1987 Constitution.

Sa primer na inilabas na pinamagatang “For Whom the Bill Talks” ng NUJP, isa sa mga naitalang dahilan ng kanilang pagtutol ay ang paghadlang nito na maisagawa ng mga mamamahayag ang kanilang gawain bilang watchdog ng gobyerno.

Dagdag pa ni CEGP President Vijae Alquisola, iot ay maaring gamitin lamang ng mga abusadong mga opisyal at kandidato sa darting na halalan.

Ayon kay Sonny Fernandez, pangkalahatang kalihim ng NUJP, ang RORB ay isang paglabag sa malayang pamamahayag.

Subalit ayon kay Nograles hindi niya hawak ang kahihinatnan ng panukala. Ang bawat kinatawan umano ay bibigyan ng limang minuto upang ipahayag ang dahilan ng kanilang pagtutol at pagsuporta sa araw ng botohan.

Ipinasa kay Nograles ang unified statement laban sa RORB na pinirmahan ng 700 peryodista at 45 organisasyon ng midya upang suriin at pag-aralan.

Ang nasabing diyalogo ay isang bahagi lamang ng malawakang pakikiisa laban sa pagsasabatas ng nasabing panukala at ilan pang mga pagkilos ang maaring isagawa bilang pagtutol, ayon kay Fernandez.

Carmie B. Barsaga