Sports

NBA Finals: LA Lakers vs Orlando Magic [Game-by-Game]


Ginapi ng Orlando Magic at Los Angeles Lakers ang kani-kanilang katunggali upang magharap para sa NBA Finals ngayong 2009. Nanggaling na ang Los Angeles Lakers sa Finals noong nakaraang taon, at haharap na naman sila sa panibagong hamon ngayong taon. At sa pagkakabalik ni Andrew Bynum sa lineup ng Lakers, umaasa sina Kobe Bryant, Pau […]

NBA Finals 2009

Ginapi ng Orlando Magic at Los Angeles Lakers ang kani-kanilang katunggali upang magharap para sa NBA Finals ngayong 2009.

Nanggaling na ang Los Angeles Lakers sa Finals noong nakaraang taon, at haharap na naman sila sa panibagong hamon ngayong taon. At sa pagkakabalik ni Andrew Bynum sa lineup ng Lakers, umaasa sina Kobe Bryant, Pau Gasol at ang buong tropa ng Lakers na madodomina nila ang kahit anong koponang humarap sa kanila.

Ngunit hindi nakita ito sa kahabaan ng Playoffs. Nanggaling sila sa isang mahabang serye kontra sa Houston Rockets, at nabigyan ng ilang pahirap ng Denver Nuggets bago nito isara sa pamamagitan ng dalawang sunod na panalo.

Kontra naman ang kuwento ng Orlando Magic. Ang number 3 na koponan sa East ay nagkaroon pa ng ilang nakakatakot na eksperyensya sa Philadelphia 76ers. Ngunit paakyat tungo sa Finals, marami nang nagsabing hindi sila tatagal. Ngunit inuna nilang patalsikin ang Boston Celtics – hindi na nga rin nakuhang umasa ng Game 7 ang dating kampeon – at ang number 1 team ng East, ang Cleveland Cavaliers, sa tig-anim lamang na laro.

Lahat ng ito, kahit nasa injured list ng koponan ang kanilang starting point-guard na siĀ  Jameer Nelson. Napunuan naman ng ilan pang manlalaro ng Magic tulad ni Hedo Turkoglu, Rashard Lewis, at lalu na ni Rafer Alston. Nagbago-bago ang tempo ng laro ng koponan: mula sa run-and gun, hanggang sa post-up plays ni Dwight Howard, maging ang open-look 3 points na naging susi sa pagdispatsa nila sa Cavs.

Taya ng ilan, hindi man nakuha ang dream match-up na Kobe-LeBron, ay mamamayani ang Lakers sa bisa ng line-up at eksperyensiya nito – tatlumpung beses nang nakapasok sa Finals ang koponan, at ilan dito ay natunghayan na ni Bryant. Ngunit maaaring magkaroon nga ng Magic sa Staples Center at gulatin ng Orlando ang lahat, tulad ng maraming hindi naniwalang makakapasok sa Finals ang koponang ito.

Silipin ang wrap-up ng Conference Finals dito.

[UPDATE] Kampeon ang Los Angeles Lakers, 4-1. Silipin ang wrap-up ng NBA FINALS sa susunod na pahina