Video: Biktima ng kalamidad at kapabayaan


Mga kuwento ng trahedya at hinagpis sa Brgy. Bagong Silangan, Batasan, Quezon City. Sa plaza ng barangay, tuluy-tuloy ang pagdating ng mga labi ng nasawing mga residente — biktima kapwa ng kalamidad at kapabayaan.

Kuha ni King Catoy
Kuha ni King Catoy

Mga kuwento ng trahedya at hinagpis sa Brgy. Bagong Silangan, Batasan, Quezon City. Sa plaza ng barangay, tuluy-tuloy ang pagdating ng mga labi ng nasawing mga residente — biktima kapwa ng kalamidad at kapabayaan. Bagamat sinasabi ng kaukulang mga ahensiya ng pamahalaan na binalaan nila ang publiko sa paparating na bagyong Ondoy noong Sabado, Setyembre 26, hindi ito umabot sa maraming bilang ng mga residente ng Kamaynilaan, laluna sa mga residente ng Bagong Silangan.

Bidyo ni King Catoy para sa Pinoy Weekly Online.