Istorya ng Linggo

Sa Pasig: Ikaapat na araw matapos ang pananalasa ni Ondoy


Sa Brgy. Maybunga, Pasig City, abot ang tubig hanggang sa tulay mismo noong kasgsagan ng baha. Libong pamilya ang naninirahan sa gilid ng floodway. Sa naturang barangay, naging evacuation center ang Brgy. Maybunga Elementary School. May 2,000 katao ang naririto sa kasalukuyan. Mga residente na nakatira sa gilid ng floodway. Walang punto para sa kanila ang bumalik sa bahay nila sapagkat sira na ang mga ito.

Brgy. Maybunga, Pasig City (Raymond Panaligan)
Brgy. Maybunga, Pasig City (Raymond Panaligan)

Sa Brgy. Maybunga, Pasig City matatagpuan ang tulay na F. Legaspi Bridge. Umabot ang tubig hanggang sa tulay mismo noong kasgsagan ng baha. Libong pamilya ang naninirahan sa gilid ng floodway. Lahat sila naapektuhan ng baha.

Bahang namerwisyo sa mga residente ng Maybunga. (Raymond Panaligan)
Bahang namerwisyo sa mga residente ng Maybunga. (Raymond Panaligan)

Sa naturang barangay, naging evacuation center ang Brgy. Maybunga Elementary School. May 2,000 katao ang naririto sa kasalukuyan. Mga residente na nakatira sa gilid ng floodway. Sa kabuuan, hindi alam ng mga mamamayan dito ang gagawin nila. walang punto para sa kanila ang bumalik sa bahay nila sapagkat sira na ang mga ito. Wasak na rin ang mga gamit sa bahay, kung may natira pa ngang bahay.

Pila para sa relief goods sa Maybunga. (Raymond Panaligan)
Pila para sa relief goods sa Maybunga. (Raymond Panaligan)

Bidyong ulat ni King Catoy para sa Pinoy Weekly Online. Mga larawan ni Raymond Panaligan.