Suot ang mga costume na pang-Holloween, nagpiket ang Karapatan-Southern Tagalog at iba pang militanteng grupo mula sa Timog Katagalugan sa tapat ng Camp Aguinaldo sa Quezon City upang gunitain ang mga biktima ng pampulitikang pamamaslang ng diumano'y mga ahente ng militar. Nagsuot pa ang iba ng mga maskara nila Pang. Arroyo Arroyo, Defense Sec. Gilbert Teodoro, Security Adviser Norberto Gonzales at maging mga retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines na sina Hen. Jovito Palparan at Hen. Hermogenes Esperon upang idiin ang partisipasyon diumano ng mga ito sa pagpapatupad ng polisiya ng pagpatay sa mga aktibista at napagbibintangang simpatisador nila.(Angelica Carballo)
Kahit hindi nila tiyak kung buhay o patay na ang kanilang mga mahal sa buhay, ginunita ng mga kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagkawala o desaparecidos ang araw ng mga kaluluwa
Walang puntod o sementeryong maaaring bisitahin -- at hindi pa nga batid kung patay o buhay ang mahal nila sa buhay -- nagtirik ng kandila ang kaanak ng desaparecidos (mga sibilyan at aktibistang dinukot diumano ng mga elemento ng estado at di pa rin natatagpuan) sa larawan ng kanilang mga nawawala, sa simbahan ng Baclaran, noong Nobyembre 2
Hindi pagluluksa kundi mistulang pagdiriwang ang Undas para sa maraming Pinoy. Pinagkakagastusan, pinagkakaabalahan, pinagkakapaguran. Pero, sa mga sementeryo, nahahati pa rin ang mga tao sa iilang mayayaman karamihang mahihirap.