Ekstensiyon ng pagpaparehistro ng mga botante, pinuri


Pinuri ng Kabataan Party-list ang desisyon ng Korte Suprema na palawigin ang voter’s registration o pagpaparehistro ng mga botante  hanggang sa Enero 9, 2010. “This is a best Christmas gift for the youth, tamang-tama para sa huling Pasko bago mag-eleksiyon…Siguradong pipila na bukas na bukas pa lang ang mga kabataan,” pahayag ni Kabataan Rep. Raymond […]

Pinuri ng Kabataan Party-list ang desisyon ng Korte Suprema na palawigin ang voter’s registration o pagpaparehistro ng mga botante  hanggang sa Enero 9, 2010.

This is a best Christmas gift for the youth, tamang-tama para sa huling Pasko bago mag-eleksiyon…Siguradong pipila na bukas na bukas pa lang ang mga kabataan,” pahayag ni Kabataan Rep. Raymond Palatino.

Naghain ang Kabataan Party-list ng petisyon sa Korte Suprema para hilingin ang pagsasawalang-bisa ng Commission on Elections (Comelec) Resolution No. 8585, na itinakda noong Oktubre 31 ang huling araw ng pagpaparehistro ng mga botante. Ayon sa petisyon na kinatigan ng korte, maaaring magpatuloy ang pagpaparehistro hanggang 120 araw bago ang isang halalan.

Nanawagan si Palatino sa Comelec na kagyat na maglabas ng mga panuntunan at petsa ng panibagong pagbubukas ng rehistrasyon.

Hinikayat din ng kongresista ang lahat ng first-time voters o bagong botante na gamitin ang pagkakataon para makapagrehistro. “Let us not waste any more time, magparehistro na ang dapat magparehistro,” aniya.

Samantala, ipagpapatuloy ng grupo ang kampanyang “Isang Milyon, Isang Panata,” na layong makapagrehistro ng isang milyong bagong botante para sa halalan sa 2010.