May 32 kilometro mula sa Calamba, Laguna hanggang sa Tunasan, Muntinlupa, ang minartsa ng mga magsasaka na nanggaling sa Mindanao, Visayas, Bikol, at Timog Katagalugan, sa ika-8 na araw ng Pambansang Lakbayan. Gabi na nang makarating sila sa Tunasan. (Ilang-Ilang Quijano)Sa Muntinlupa Sports Complex pansamantalang namahinga ang mga magsasaka noong gabi ng Enero 19. (Ilang-Ilang Quijano)Bukang-liwayway kinabukasan nang mag-umpisa muling maghanda ang mga Lakbayani sa pagmartsa. Nagsimula ang Lakbayan noong Enero 12 sa Davao City, at magtatapos sa Enero 22 sa Mendiola Bridge sa Maynila. (King Catoy/May Day Productions)Nag-ehersisyo muna sila, bago maglakbay. (King Catoy/May Day Productions)Ipinapakita ng banner na bitbit ng mga magsasaka ang pambansang saklaw ng Lakbayan. (Ilang-Ilang Quijano)Inihahanda ng magsasakang ito ang kanyang mga kagamitan. (Ilang-Ilang Quijano)Pagdaan sa maliliit na eskinita ng Tunasan. (Ilang-Ilang Quijano)Sa National Road papalabas ng Tunasan. (King Catoy/May Day Productions)Mga residente ng Muntinlupa, pinapanood ang martsa. (Ilang-Ilang Quijano)Nakayapak na naglakad ang kabataang ito, na sumama sa Lakbayan para iprotesta ang militarisasyon. (Ilang-Ilang Quijano)