Benepisyo ng acupuncture


Ano ang acupunture? Mga rebelde lang ba ang gumagamit ng acupunture sa paggamot? Sa mga lugar at panahong hindi aksesible ang serbisyong pangkalusugan, ano ang benepisyo ng acupuncture?

Acupuncture: Isang medikal na opsiyon para sa mahihirap.
Acupuncture: Isang medikal na opsiyon para sa mahihirap.

Kamakailan, sinabi ng militar na rebeldeng New People’s Army ang 43 manggagawang pangkalusugan na dinukot nila sa Morong, Rizal noong Pebrero 6 dahil nakitaan sila ng kagamitang ginagamit sa acupuncture.

Pero ano ba talaga ang acupunture? Mga rebelde lang ba ang gumagamit ng acupunture sa paggamot? Sa mga lugar at panahong hindi aksesible ang serbisyong pangkalusugan, ano ang benepisyo ng acupuncture?

Ang acupuncture ay pagtutusok ng maninipis na karayom sa ilang mga lugar sa katawan para sa pag-ibsan sa ilang karamdaman (therapy) o pagpapahupa ng sakit. Galing ito sa salitang Latin na “acus” (needle/karayom) at “pungere” (to prick/itusok). Sa tradisyunal na kasanayan nito sa Tsina, nagtiyak sila ng mga punto sa katawan ng tao sa mga guhit kung saan dumadaloy ang “qi” o “enerhiya ng buhay”.

Hindi tiyak ang pinagmulan ng pagsasagawa ng acupuncture, ngunit karamihan ng mga sinaunang kasulatan ay nakita sa China. Ilang teorya ay nagsasabing nagsimula ang pagsasagawa nito nang mapansin nila ang mga sundalong napinsala ng mga pana ay gumaling sa mga karamdaman na una’y hindi mapagaling. Sa pagsasaliksik, nakita nila ang kagamitang gawa sa bato, na nagtuturo sa panahon ng Neolitiko bilang pinakamaagang pinagmulan ng sining.

Kumalat ang acupuncture sa kanluran sa pamamagitan ng mga misyonaryong Portuges noong 16th siglo. Sa mga panahon rin na iyon, ang pagsasagawa ng acupuncture ay naididikit sa mga illiterate at nasa mababang-antas na uri (lower-class) . Dumanas ang acupuncture ng pagbaba ng bilang ng nagsasagawa nito kasama na rin ang popularidad nito dahil sa pagtaas ng pagkilala sa preskpadong gamot. Ipagbawal pa ito ng emperador ng China noong 1822. Sa panahon na lumipas, dumaan sa pagsasaliksik ang acupuncture upang magkaroon ng pagkilala sa pagsasagawa nito bilang isang lehitimong medikal na gawain.

Naglabas ang American Academy of Medical Acupuncture ng listahan ng mga indikasyon na maaaring gamitan ng acupucture bilang complementary na remedyo bukod sa medikal na paggagamot, na nagdadag pa na sa Estadus Unidos, nakaranas ng malaking tagumpay at pagtanggap ang acupuncture sa paglulunas sa sakit ng muscoskeletal pain. Ilang indikasyon na ibinilang nila ay ang mga sumusunod:

* Abdominal distention/flatulence
* Acute and chronic pain control
* Allergic sinusitis
* Anesthesia for high-risk patients or patients with previous adverse responses to anesthetics
* Anorexia
* Anxiety, fright, panic
* Arthritis/arthrosis
* Atypical chest pain (negative workup)
* Bursitis, tendinitis, carpal tunnel syndrome
* Certain functional gastrointestinal disorders (nausea and vomiting, esophageal spasm, hyperacidity, irritable bowel)
* Cervical and lumbar spine syndromes
* Constipation, diarrhea
* Cough with contraindications for narcotics
* Drug detoxification is suggested but evidence is poor
* Dysmenorrhea, pelvic pain
* Frozen shoulder
* Headache (migraine and tension-type), vertigo (Meniere disease), tinnitus
* Idiopathic palpitations, sinus tachycardia
* In fractures, assisting in pain control, edema, and enhancing healing process
* Muscle spasms, tremors, tics, contractures
* Neuralgias (trigeminal, herpes zoster, postherpetic pain, other)
* Paresthesias
* Persistent hiccups
* Phantom pain
* Plantar fasciitis
* Post-traumatic and post-operative ileus
* Selected dermatoses (urticaria, pruritus, eczema, psoriasis)
* Sequelae of stroke syndrome (aphasia, hemiplegia)
* Seventh nerve palsy
* Severe hyperthermia
* Sprains and contusions
* Temporo-mandibular joint derangement, bruxism
* Urinary incontinence, retention (neurogenic, spastic, adverse drug effect)
* Weight Loss