Coldfront
Nitong nakaraang linggo nakaranas ang kalakhang bahagi ng Luzon ng panaka-nakang pag-ulan sa kasagsagan ng init at sa gitna ng El Niño. Sabi ng mga eksperto, dulot ang pag-ulan hindi dahil bigla nang pumasok ang panahon ng tag-ulan, ngunit sa tinatawag na pagsapit ng coldfront. Ang coldfront ay nabubuo sa pagsapit ng namuo na mas […]
Nitong nakaraang linggo nakaranas ang kalakhang bahagi ng Luzon ng panaka-nakang pag-ulan sa kasagsagan ng init at sa gitna ng El Niño. Sabi ng mga eksperto, dulot ang pag-ulan hindi dahil bigla nang pumasok ang panahon ng tag-ulan, ngunit sa tinatawag na pagsapit ng coldfront.
Ang coldfront ay nabubuo sa pagsapit ng namuo na mas malamig na hangin upang palitan ang isang namuong mas mainit na hangin. Sisingit pailalim ang mas malamig at mas mabigat na hangin sa mas magaan na mainit na hangin, at iaangat ito. Tinatawag itong coldfront dahil ang lokasyon nito ay matutunton sa pinagsisimulan ng pagbagsak ng temperatura ng isang lugar.
Mas madalas na kaakibat ng low pressure area ang coldfront.
Madalas na nagdadala ng pag-ulan ang coldfront tulad ng naranasan noong nakaraang linngo. Ayon sa mga eksperto, mas madalas na malakas ang mga pag-ulan na ito, laluna sa panahon ng tag-init. Nabubuo ang pag-ulan hindi dahil sa coldfront: kung hindi sapat ang air moisture sa lugar, dadaan lamang ang coldfront na walang pag-ulan. Ikokondensa lamang ng coldfront ang kung anong air moisture na meron sa isang lugar at gagawin itong ulap na may dalang ulan. At dahil ang coldfront ay bumabangga sa mainit na hangin, nagdadala rin ito ng pagkulog.
Panaka-nakang pag-ulan lamang ang naranasan sa nakaraang pagdaan ng coldfront sa Luzon. Hindi pa rin sumapat ang pag-ulan upang madagdagan ang tubigan ng mga dam at maibsan ang problemang dulot ng kakulangan sa tubig.