Sports

Pinay bigo sa super-bantamweight unification bout


Bigo si Luciana Julaton na idepensa ang kanyang dalawang titulo ng super-bantamweight laban kay Lisa “Bad News” Brown, kampeon ng Canada, nitong Linggo (Sabado ng gabi sa US). Nakataya rin dito ang titulo ng World Boxing Organization. Ito sana ang ika-tatlong titulo ng Fil-Am na boksingero, na binansagang “The Hurricane” ng mga manunulat ng palakasan. […]

Luciana Hurricane Julaton
Luciana "Hurricane" Julaton

Bigo si Luciana Julaton na idepensa ang kanyang dalawang titulo ng super-bantamweight laban kay Lisa “Bad News” Brown, kampeon ng Canada, nitong Linggo (Sabado ng gabi sa US). Nakataya rin dito ang titulo ng World Boxing Organization.

Ito sana ang ika-tatlong titulo ng Fil-Am na boksingero, na binansagang “The Hurricane” ng mga manunulat ng palakasan. Siya na rin sana ang kauna-unahang babaeng Pilipino na mabibiyayaan ng titulo bilang unanimous champeon para sa kanyang timbang kung naipanalo niya ang unification bout.

Isang aksidenteng headbutt ang nagpadugo sa noo ni Ana sa maagang yugto ng laban ngunit nagpatuloy siya sa laban. Naging agresibo siya sa mga sumunod na round ngunit mahusay ang counterpunching ni Brown, patungo sa unanimous decision.

Sa talaan, iisang round lamang ang napagwagian ni Ana sa naturang laban.

Ang 28-anyos na si Julaton ang kauna-unahang Pilipinong kampeon sa world boxing. Nakuha ni Julaton ang kanyang mga korona laban kay Kelcie Jeffries noong Setyembre 12, 2009 para sa International Boxing Association super-bantamweight, at matapos ng tatlong buwan, kay Donna Biggers upang makamit ang korona ng World Boxing Organization.

Pinamunuan ni Nonito Donaire Sr. ang coaching staff ni Julaton. Ito ang ikatlong sunod na pagkatalo ni Donaire Sr. bilang tagapagsanay.