Bidyo ng pagpaslang sa mga sibilyan sa Iraq, kumakalat sa internet
Kumakalat sa internet ang isang video na nakuha pa noong 2007, sa kasagsagan ng pagpasok ng tropang Amerikano sa Iraq. At dito, makikita ang walang habas na pagpaslang ng tropang Kano maging sa mga sibilyan sa pagpasok sa kanilang mga gera. Ipinapakita ng video na pinamagatang “collateral murder” ang atake sa mahigit isang dosenang katao. […]

Kumakalat sa internet ang isang video na nakuha pa noong 2007, sa kasagsagan ng pagpasok ng tropang Amerikano sa Iraq. At dito, makikita ang walang habas na pagpaslang ng tropang Kano maging sa mga sibilyan sa pagpasok sa kanilang mga gera.
Ipinapakita ng video na pinamagatang “collateral murder” ang atake sa mahigit isang dosenang katao. Ang video, na kuha ng gun-port ng isang Apache Attack Helicopter ng mga Amerikano, ay nakatuon sa tila nag-uumpukan na katao sa isang kalsada sa Iraq. Maririnig sa video ang palitan ng salita ng mga tropang Aamerikano na nakasakay sa helikopter at ang ground forces nila, na may nakaabang daw na mga rebelde sa daraanan ng mga sundalo’t sasakyan nila na papasok sa isang kalye.
Mula sa pag-inog ng helikopter, inilinaw ang decription ng nakitang nag-uumukang tao: armado diumano ng rocket-propelled grenades at matataas na kalibre ng baril ang kanilang nakita. Hanggang nagrekwes ang nasa helikopter na paulanan na ng bala ang nakitang umpukan ng tao.
Kung pagbabasehan ang audio, malinaw naman ang deskripsiyon ng mga insurhensiyang armado. Ngunit hindi ito ang tunay na eksena na maaaninag sa video.
Makakita sa video ang pagpaslang ng mga Amerikano sa mahigit isang dosenang sibilyan, at hindi rebelde na unang sinabi ng mga sundalong Kano. Kasama dito ang dalawang kawani ng news service na Reuters na sina Namir Noor-Eldeen, potograpo ng Reuters, at ang kanyang kasamang driver na si Saeed Chmang. Sa pag-inog ng helikopter, nandoon ang deskripsiyon nila sa mga hawak ng nasa ibaba – ang mahabang lente ni Noor-Eldeen ang napagkamalang RPG launcher, at ilang hawak ng ibang naglalakad bilang mga AK-47.
Makikita pa sa video na akmang tatakas ang nakilala na si Saeed, na ayon sa audio ay “walang armas na dala” at “hihintayin pa ng mga tropa kung hahawak pa siya ng armas”. Hanggang may makikitang isang van na kukunin si Saeed. Kasama ito sa pinaulanan ng bala ng helikopter. Dalawang bata na lulan ng naturang van sa video.
Ani pa ng mga sundalo (ayon sa video) na kasalanan pa ng mga Iraqi ang pagdala nila ng mga bata sa larangan ng digma – kung larangan ng digma nga talaga ang kanilang tinunton, at kung may labanan nga talagang naganap.
Hanggang sa kasalaukuyan, humihingi ng imbestigasyon ang Reuters sa insidente. Ngunit matibay ang pagtatakip ng matataas na opisyal sa tunay na nangyari sa insidente, at idinidiin nila na mga rebeldeng Iraqi ang kanilang napaslang sa insidenteng iyon.
Sa talaan, 139 na mga mamamahayag ang napaslang sa Iraq mula 2003- 2009 upang itala ang gera.
Narito ang bidyo na nakuha ng Wikileaks: