Atake ng Israel sa Freedom Flotilla, kinondena ng mga Pinoy
Kinondena ng iba’t ibang grupong Pinoy sa Pilipinas, Canada, at Hong Kong ang atake ng Israel sa flotilla na nagdadala ng ayuda patungong Palestine, kung saan 19 sibilyan ang namatay at daan-daan ang nasugatan, kabilang ang mga aktibista mula sa iba’t ibang bansa. “We join the whole world in condemning in no uncertain terms the […]

Kinondena ng iba’t ibang grupong Pinoy sa Pilipinas, Canada, at Hong Kong ang atake ng Israel sa flotilla na nagdadala ng ayuda patungong Palestine, kung saan 19 sibilyan ang namatay at daan-daan ang nasugatan, kabilang ang mga aktibista mula sa iba’t ibang bansa.
“We join the whole world in condemning in no uncertain terms the Israeli massacre of civilians who participated in the humanitarian mission to bring aid to Gaza. The Israeli terrorist state has again shown that it does not recognize any law, nor adhere to any international norms when it carried out the brutal attack,” ayon kay Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).
Nagsagawa ang Bayan at iba’t ibang grupong progresibo ng piket sa tapat ng embahada ng Israel sa Makati City ngayong araw.
Kahapon, nagpiket naman ang Asian Students Association (ASA) at International League of People’s Struggles, kabilang ang mga grupong Pinoy, sa harap ng embahada ng Israel sa Admiralty Center, Hong Kong.
Ipinanawagan nila ang pagpapalaya sa natitirang mga bihag, pagtigil sa economic blockade at okupasyon sa Gaza, at pagpapanagot sa gobyernong Israel.
“The Israeli aggression has gone beyond the occupation of Palestine. They can now launch military attacks in international waters. What is next for this US-backed Zionist government: launch nuclear attacks on any nation or state? Occupy new nations?,” ayon sa ASA sa isang pahayag.
Pinuna rin ng grupo ang kawalan ng malinaw na pagkondena sa atake mula sa gobyernong US, na sumusuporta sa gobyernong Israel.
“It is hypocritical for the United States government to tag several organizations and individuals as terrorists while it continues to support this terrorist government that has occupied, terrorized and killed many innocent Palestinian people,” sabi ng ASA.
Samantala, hinikayat ng Philippine Council for Islam and Democracy ang Department of Foreign Affairs na sumama sa pandaigdigang pagkondena sa atake, at manawagan para sa pagbaligtad ng polisiya ng Israel sa Gaza.
Tinuturing ng gobyernong US ang Pilipinas bilang mahigpit na alyado.

Nagpahayag din ng pagkondena ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) laban sa atake, at sa imperyalistang US na taun-taong nagbibigay ng bilyun-bilyong dolyar na ayuda sa Israel at humaharang sa mga resolusyon ng United Nations Security Council na kumokondena sa mga paglabag sa karapatang pantao ng gobyernong Israel.
Tinukoy nito ang Deir Yassin massacre noong 1948, masaker sa Sabra at Shatila noong 1982, paglusob at masaker sa Gaza noong Disyembre 2008 at Enero 2009, at ang patuloy na pag-atake at blockade sa Gaza simula noong 2007.
“US imperialism colludes with the Israel government in committing crimes against humanity and providing the Israel state with political and diplomatic protection,” ayon sa National Executive Committee ng NDFP.
Dagdag pa ng NDFP, lalo lamang iigting ang pakikibaka ng mga mamamayang Palestino at iba pang mamamayan ng mundo laban sa agresyon ng gobyernong Israel at US.
Nanawagan ang Palestinian Boycott, Divestment and Sanctions National Committee (BNC) sa pandaigdigang komunidad na lumahok sa Global Day of Action sa Hunyo 5, ika-43 na anibersaryo ng okupasyon ng Israel sa Gaza at West Bank.
Hinikayat nito ang iba’t ibang gobyerno na ipresyur ang Israel sa pamamagitan ng mga trade sanction at arms embargo.
Nanawagan din ang Palestinian BNC sa mga manggagawa at unyon sa piyer na tumangging kargahan ang mga barko at eroplano ng Israel, katulad ng ginawa ng South African Transport and Allied Workers Union sa Durban noong Pebrero 2009.