Miguel Cotto kampeon ng WBA
Matapos ang pagkabigo laban kay Manny Pacquiao, umakyat ng timbang at nagwagi pa si Miguel Cotto ng korona sa proseso. Bituwal na ninakaw ni Cotto ang Wold Boxing Association light middleweight title kay Yuri Foreman sa laban nila sa Yankee Stadium, New York nitong Sabado ng gabi sa US. Ngunit hindi madali kay Cotto ang […]
Matapos ang pagkabigo laban kay Manny Pacquiao, umakyat ng timbang at nagwagi pa si Miguel Cotto ng korona sa proseso. Bituwal na ninakaw ni Cotto ang Wold Boxing Association light middleweight title kay Yuri Foreman sa laban nila sa Yankee Stadium, New York nitong Sabado ng gabi sa US.
Ngunit hindi madali kay Cotto ang unang bahagi ng laban. Mahusay man ang mga suntok na binitiwan ng defending champion na si Foreman, ngunit matipuno naman ang ilang opensa ni Cotto. Katunayan, ilang beses natapilok si Foreman. Ngunit pinakamasaklap ang pagkakadulas niya sa unang mga bahagi ng round 7.
Itinuloy pa ang laban hanggang sa magbato ng tuwalya ang korner ni Foreman sa kalagitnaan ng round 8. Ngunit itinuloy ang laban sa kadahilanang hindi legal na magbato ang gumawa ng paghahagis ng tuwalya. Isa pa, wagayway lang ang naaangkop na paggawa nito.
Tinapos ng referee ang laban sa umpisa ng round 9 nang huling matapilok si Foreman. Ito ang unangpagkakatalo ni Foreman matapos ang kanyang 28 sunod na mga panalo.
Ayon kay Bob Aum, kumita si Cotto ng $2 milyon at career-high $750,000 naman para kay Foreman sa laban.
