Pinay na boksingero nakabangon sa pagkabigo!
Ilang buwan matapos mabigo, nakabangon si Luciana Julaton at nabawi ang kanyang titulo bilang kampeon ng boksing. Ginapi ng Fil-Am na boksingero na binansagang “the hurricane” si Maria Elena Villalobos ng Mehiko sa kanilang 10-round na laban sa Ontario Canada noong Hunyo 30. Isang halos basag-ulo ang ginawang istilo ni Villalobos sa pagsapit ng ika-3 […]
Ilang buwan matapos mabigo, nakabangon si Luciana Julaton at nabawi ang kanyang titulo bilang kampeon ng boksing.
Ginapi ng Fil-Am na boksingero na binansagang “the hurricane” si Maria Elena Villalobos ng Mehiko sa kanilang 10-round na laban sa Ontario Canada noong Hunyo 30.
Isang halos basag-ulo ang ginawang istilo ni Villalobos sa pagsapit ng ika-3 na round nang mayanig niya si Julaton. Napanatili naman ni Julaton ang kanyang postura sa buong laban, na sa umpisa pa lamang ng laban ay panig na sa kanya, sa pamamagitan ng kanyang footwork at mga jab.
Isang unanimous decision ang iginawad kay Julaton upang mapasakamay niya ang titulo ng World Boxing Organization super-bantamweight.
Matatandaang nabigo si Luciana Julaton na idepensa ang kanyang dalawang titulo ng super-bantamweight laban kay Lisa “Bad News” Brown, kampeon ng Canada, noong Marso. Sa pamamagitan ng pagwawagi na ito, nabawi ni Ana ang titulo ng WBO.
Kasalukuyang nasa pamamalaga na ni Freddie Roach si Ana.
