Video: Walang kabuhayan, sa bundok ng pinagtabuyan
Malayo sa hanapbuhay ang mga maralitang itinaboy mula sa sentrong lungsod na tila nakareserba para sa mga negosyante. Alamin ang totoong kondisyon ng relocatees mula sa Sityo San Roque sa North Triangle, Quezon City.
Malayo sa hanapbuhay ang mga maralitang itinaboy mula sa North Triangle, Quezon City, na ang lupain ay binenta ng National Housing Authority sa Ayala Land Inc. at naging sentro ng marahas na tangkang demolisyon noong Set. 23, 2010. Alamin ang totoong kondisyon ng relocatees, at ang kanilang sentimiyento hinggil sa “tuwid na daang” ipinangako ni Pangulong Aquino.