Istorya ng Linggo
Larawan: Krus ng maralitang Pilipino, araw-araw pasan, lalong bumibigat
Hindi lamang ngayong Semana Santa, mistulang araw-araw ang kalbaryo ng maralitang Pilipino sa kasalukuyang krisis at kaayusang panlipunan. Kaya naman ginamit ng mga maralita ng Brgy. Jose Corazon de Jesus at Bayan-NCR ang pagkakataon ngayong Semana Santa para isalarawan ang matinding krus na ipinapasan ng sambayanan.





