Pilipinas-Smart Gilas ikaapat sa 22nd FIBA Champions Cup
Dumapa ang pagkakataong magkaroon ng medalya ang Pilipinas-Smart Gilas kontra sa Al Rayyan ng Qatar nang matalo ito sa laban para sa ikatlong puwesto, 71-64, sa pagtatapos ng 22nd FIBA Champions Cup kahapon. Hindi naging madali sa pambansang koponan ang naging laban. Bahagyang nakalamang ang Pilipinas sa unang quarter ngunit nakuha pa ring kunin ang […]
Dumapa ang pagkakataong magkaroon ng medalya ang Pilipinas-Smart Gilas kontra sa Al Rayyan ng Qatar nang matalo ito sa laban para sa ikatlong puwesto, 71-64, sa pagtatapos ng 22nd FIBA Champions Cup kahapon.
Hindi naging madali sa pambansang koponan ang naging laban. Bahagyang nakalamang ang Pilipinas sa unang quarter ngunit nakuha pa ring kunin ang Qatar ng kalamangan bago matapos ang yugto. Umabot ng hanggang siyam ang kalamangan ng Qatar sa kahabaan ng laban, at hindi na ito hinayaang mawala pa.
Kalunus-lunos ang 3/24 pagpukol ng three-pointers ng Pilipinas. “You can’t expect to win with such a percentage,” anas ni Smart Gilas coach Rajko Toroman. “Also we didn’t have enough support in size.”
Bagaman natalo, ito na ang pinakamataas na nakuhang puwesto ng bansa mula nang sumali ito sa palaro. Unang nasungkit ang ikalimang puwesto noong 2009 ngunit dumausdos sa ikapito noong nakaraang taon.
Samantala, ginapi ng Al Riyadi Beirut-Lebanon ang defending champion Mahram-Iran 91-82 upang masungkit ang kaunaunahan nilang kampeonato. Ang Iran ang koponang gumapi sa Pilipinas upang mapigilan ang pambansang koponan na marating ang labang pangkampeonato.
Maghahanda na ang Smart-Gilas para sa mga susunod nitong pakikipagsapalaran patungo sa Olympic Qualifiers.