Ang pagdayo ng mga Dutch hip hop dancer sa Pilipinas


Laging bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang mga Dutch dahil kahit noon pang mga ikalabimpitong  siglo ay may nagtungo nang Dutch sa ating bansa. Kaya ang impluwensiya ng Dutch ay may ambag din sa kultura, ekonomiya, pulitika, panlipunan at iba pang sangay ng buhay bagamat marahil ay hindi halatang-halata. Mayaman din sa pamana ng lagi […]

All Style Division
All Style Division
All Style Division

Laging bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang mga Dutch dahil kahit noon pang mga ikalabimpitong  siglo ay may nagtungo nang Dutch sa ating bansa.

Kaya ang impluwensiya ng Dutch ay may ambag din sa kultura, ekonomiya, pulitika, panlipunan at iba pang sangay ng buhay bagamat marahil ay hindi halatang-halata.

Mayaman din sa pamana ng lagi ang mga Dutch at ang isang magiting na nasyunal nito ay si Titus Brandsma na isang pari at relihiyoso.

Nagsakripisyo si Brandsma ng kanyang buhay sa paglaban sa pang-aabuso ng Nazi kaya nang dahil ito ay nakulong siya at pinatay.

Nakadagdag din sa kamalayan ng mga progresibong organisasyon sa Pilipinas ang inspirasyon sa pagkabayani ni Titus.

***

Ang pagdating ng Dutch hip hop group na All Style Division sa Pilipinas para magtanghal muli mula sa ika-24 ng Pebrero hanggang ika-6 ng Marso, 2012 sa labing-isang SM malls sa buong kapuluan ay pagbubukas muli ng impluwensiya ng mga Dutch sa buhay ng mga Filipino.

Ang isang miyembro nga ng All Style Division na si Noah Smidstra ay ipinagmamalaki si Brandsma dahil sa kagitingan nito.

Kaya kahit sa pagsayaw lang ay sinisikpa ni Noah na maging magandang halimbawa sa mga kabataang mahilig sa hip hop.

“Hip hop is love,” sabi ni Smidstra.

Nauna nang dumating noong ika-17 ng Pebrero, 2012 si Noah kasama ang kanyang syotang Dutch-Yugoslav na si Sabina Mehic.

Ang iba pang kasapi ng grupo na sina John Boy Denekamp, Muztafa Ozdemir, Andy Huber at Ersin Kelekci ay darating sa ika-22 ng buwan ding ito para kumpleto ang barkada.

***

At alam ba ninyong Filipina ang ina ni Noah, si Arleen Santiag-Smidstra na nakahimpil na sa The Netherlands sa loob ng tatlumpu’t pitong taon.

Kaya napakamakapangyarihan ng hinalong kasal sa pagitan ng dalawang lahi.

Sayaw ang tulay ng mga Dutch ngayon sa Pilipinas kahit na sabihing napakarami ring nagsasayaw ng hip hop o break dance sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

***

Disiplina ani Noah ang mahalaga sa pagsayaw ng hip hop at ang kapayapaan na naipapamahagi nito.

“I hope hip hop in the Philippines isn’t only jumping and somersaulting,” pahayag ni Smidstra kaya manood tayo at patunayan na tama sila.

Sa ika-24 ng Pebrero ay nakatakdang buksan ang konsiyerto ng sayaw ng All Style Division sa SM Marikina; sa ika-25 sa SM Dasmariñas; sa ika-26 sa SM Manila; sa ika-27 sa SM Bicutan; sa ika-28 sa SM Lucena; sa ika-29 sa SM Baliwag; sa ika-1 ng Marso sa SM San Pablo; sa ika-2 sa SM Batangas City; sa ika-3 sa SM Valenzuela; sa ika-4 sa SM Southmall at sa ika-6 sa SM Novaliches.

Kabilang sa mga sponsors ang Mega C vitamin, Erase Plantcenta, Clavel Magazine, YGC at iba pa.