Inspirasyon si Pilar Pilapil!
Noong nagsisimula pa sa showbiz si Jenny Garcia, ang kanyang screen name noon, Jennifer Garciano Escoton Phillips sa tunay na buhay, kinaya niyang lahat ang mga pasakit at pagsubok sa larangang ito. Alam niyang kaanak niya si Pilar Pilapil pero sinolo niya ang kanyang pagpupunyagi. “Pero si Tita Pilar (Pilapil), laging puwedeng lapitan at kunsultahin […]

Noong nagsisimula pa sa showbiz si Jenny Garcia, ang kanyang screen name noon, Jennifer Garciano Escoton Phillips sa tunay na buhay, kinaya niyang lahat ang mga pasakit at pagsubok sa larangang ito.
Alam niyang kaanak niya si Pilar Pilapil pero sinolo niya ang kanyang pagpupunyagi.
“Pero si Tita Pilar (Pilapil), laging puwedeng lapitan at kunsultahin sa mga problema ko. Never siyang nagkait sa akin ng tulong,” pahayag ni Jenny sa isang eksklusibong panayam.
5’9” ang tangkad ni Jenny Phillips kaya naman hindi ang pag-aartista ang kanyang puntirya kundi pagmomodelo.
Sa edad disisiyete, nakalabas na si Jenny sa “Campus Beat” ni Aga Muhlach at “Batman & Robin” nina Joey de Leon at Keempee de Leon.
“May nag-alok sa akin na mag-bold no’n pero tinanggihan ko. Ayaw ko na magpakita ng katawan ko sa public,” pagtatapat ni Jenny.
***
Sa mataong lugar ng San Andres Bukid lumaki at nagkaisip si Jennifer at dito ay lantad siya sa mga karahasan ng buhay tulad ng pagsaksi sa mga bakbakan at digmaan ng mga gang sa kanilang lugar, pagbabarilan ng mga sanggano at nagkakasamaan ng loob, pagbaha na halos lunurin at tangayin ng tubig ang kanilang maliit na bahay, pagtulog sa papag habang magkakatabi sila ng anim niyang kapatid at inang naghihintay sa pagdating at pagsustento ng asawang marino at iba pang hindi makakalimutang mga karanasan sa lipunang ito.
Nagtrabaho rin sa isang otel sa Maynila si Jenny at dito ay nakaharap niya ang iba’t ibang klase ng tao lalo na ang kanyang mga manliligaw.
“Sa lugar namin, walang nanliligaw sa akin dahil sa pananaw niya, ang tangkad-tangkad ko, hindi ako bagay sa kanila. Pinagtatawanan nga ako sa katangkaran ko,” pagbabalik-tanaw ni Jenny.
Naging modelo rin siya nina Ogee Atos, Joey Espono, Inno Sotto, Frederick Peralta at marami pang iba pero ang pinakamahalagang pagkakataon at tsansa na kanyang nakamtan ay nang magtungo siya sa Hong Kong para magmodelo roon.
***
Sa HK nakilala ni Jenny ang kanyang mister na si David Phillips at sila ay biniyayaan ng apat na anak, sina Elizabeth, Alexandra, Sebastian Felicito at Francisco Stanley.
“Si Tita Pilar ang malaki ang impluwensiya sa aking buhay. Of course, meron pa ring iba pero iba si Tita Pilar. Sobra ang pangaral niya sa akin noon. Kasi, marami na siyang naranasan sa buhay kaya sinunod ko siya at maganda ang nangyari sa akin.
“I keep on telling my husband how inspirational Pilar Pilapil is to me. Sa dami ng kanyang mga challenges, kung sa ibang tao ‘yon, wala na. Susuko na siya pero hindi sumuko si Tita Pilar. At ganyan ko siya ka-idol,” pagtatapat ni Phillips na ngayon ay naninirahan sa Sydney, Australia pero pag may oras ay nandito sa Pilipinas at nag-aartista kasama ang mga kaibigang sina Hajji Alejandro, Rico P. Puno, Marco Sison at Nonoy Zuñiga.
“Mga totoong tao sina Tita Pilar at sina Hajji. Mga down-to-earth silang tao. Nakaka-touch sila talaga. I can’t forget them. Now that I’m involved with counselling kahit sa phone, lalo kong na-a-appreciate sina Tita Pilar dahil hindi sila nagpapatali sa system. They are very independent,” pahayag ni Jenny.
***
Pagkatapos nang kidnapin, pagsasaksakin at itapon si Pilapil sa isang ilang na lugar sa Antipolo City ay nakaharap ng Jenny ang aktres.
Bukod sa pagdalaw ni Pilaring sa Australia ay ang di-makakalimutang kabanatan ng bituin ang laging umuukilkil sa isip at puso ni Jenny.
“Kung sa iba nangyari ‘yon, several stab wounds, wala na. Baka panghinaan na ng loob ang mga ito. Pero hindi si Tita Pilar. Nasa kanya ang determinasyong mabuhay.
“Tita Pilar and her husband, Tito Bernie (Peñas) are very wonderful persons. They’re pride of our country. Kailangang ipagmalaki natin sila dahil bukod sa akin, inspirasyon din si Tita Pilar ng napakaraming Filipino sa isip at sa gawa,” pagtatapos ni Jenny.