Bilanggong pulitikal bilang ama: Apat na tinig


Sa Araw ng mga Ama, naglabas ng mga sanaysay at isang awit ang apat ng bilanggong pulitikal na kasalukuyang nakadetine sa Camp Crame Custodial Center.

(Mula kaliwa) Alan Jazmines, Renante M. Gamara sa litratong hawak ng kanyang anak, Eduardo Serrano, at Eddie Sarmiento, mga bilanggong pulitikal

Sa Araw ng mga Ama, naglabas ng mga sanaysay at isang awit ang apat ng bilanggong pulitikal na kasalukuyang nakadetine sa Camp Crame Custodial Center. Sila ay mga konsultant ng National Democratic Front  of the Philippines na hindi pa rin pinalalaya ng gobyernong Aquino. Sila rin ay mga ama na nawalay sa kani-kanilang mga anak dahil sa pagkakapiit. Inilalathala ng Pinoy Weekly ang kanilang mga sulatin at likhang sining ngayong Araw ng mga Ama.

Alan Jazmines: A Political Prisoner’s Fathers’ Day

I did  not realize how deeply their understanding of what I am and what I am doing have sank into them, until sometime later when it came to a point that one of them vehemently objected to his elementary school teacher’s writing on the blackboard “Rebels are bad.” My son stood up in protest and walked out saying loudly “My father is a rebel and he is not bad.”

Renante M. Gamara: Araw ng mga Ama sa Camp Crame Custodial Center

Sa maiksing salita, ang nakaraang dalawan’t kalahating buwan ko sa piitan ay mabilis na pagtibay at paglalim ng relasyon naming mag-aama (siyempre maging sa kanila ring ina), di lamang sa aspetong personal kundi higit sa lahat para sa patuloy na pakikibaka sa sambayanan.

Eddie Sarmiento: Emanina*

Paglaki nyo’y languyin ng walang takot/ Ang malawak na dagat ng karunungan/ At sisirin ang kaibuturan nito/ At ang perlas ng katotohanan

Eduardo Serrano: Ang Dalaw ng Apo

Paalaman na. Halik, yapos at yakap matapos mailipat si apo sa baby soft carrier ng nanay. Napatulog ni Lolo si apo sa kaniyang mga braso. Kahit ngalay na ang kaniyang kanang braso’y hindi ibinaba o isinalin si apo sa nanay at tita. Hindi na rin umupo para laging inuugoy ang apo.