Istorya ng Linggo Pambansang Isyu

‘Simula pa lang ng laban kontra pork barrel’

Tinatayang di-bababa sa 100,000 ang nasa Luneta noong Agosto 26 para magprotesta laban sa pork barrel at pananatili at paglaki pa nito sa ilalim ng administrasyong Aquino. Sinabi sa pulisya na aabot sa 75,000 lang ang nasa Luneta at Rizal Park sa Maynila, pero tantiya ng ilang eksperto na aabot sa 350,000 ang peak na […]

Kuha ni Paulo Alcazaren LIPAD Aerial Photography
Kuha ni Paulo Alcazaren LIPAD Aerial Photography
Isang maliit na bahagi lamang ng malawak na Luneta na pinuno ng mga taong galit sa pork barrel noong Agosto 26. (Pher Pasion)
Isang maliit na bahagi lamang ng malawak na Luneta na pinuno ng mga taong galit sa pork barrel noong Agosto 26. (Pher Pasion)

Tinatayang di-bababa sa 100,000 ang nasa Luneta noong Agosto 26 para magprotesta laban sa pork barrel at pananatili at paglaki pa nito sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Sinabi sa pulisya na aabot sa 75,000 lang ang nasa Luneta at Rizal Park sa Maynila, pero tantiya ng ilang eksperto na aabot sa 350,000 ang peak na bilang ng mga tao, noong umaga ng ika-26.

Maituturing na malakas na pagpapahayag ng mga mamamayan ng pagtutol sa sistematiko at malaganap na panghuhuthot sa kaban ng yaman sa loob ng gobyerno ang naturang protesta.

Sinabi ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), progresibong pambansang alyansa ng sektoral na mga organisasyon na lumahok sa protesta sa Luneta, na signipikante ang naganap noong Agosto 26 dahil ito ang unang dambuhalang kilos-protesta laban sa kasalukuyang administrasyon.

“Di-matatangging patunay ang dambuhalang protesta kahapon, ang unang katulad nito sa panahon ng rehimeng Aquino, na hindi naniniwala ang mga mamamayan sa mga kasinungalingan at spin (pagpapaikot ng katotohanan),” sabi ni Renato Reyes, Jr. pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Isang malawak — at sa pangkalahatan, di-organisado — na pagtitipon ang naganap sa Luneta kahapon. Ayon sa maraming ulat, pinasimulan ito ng isang Facebook post ng dating musikerong si Ito Rapadas na nananawagan ng isang milyong tao sa Luneta para ipahayag ang pagtutol sa pork barrel.

Pero dahilsa disgusto ng maraming bilang ng mga mamamayan na nasa internet, at sa pakikipag-ugnayan ng tumatayong mga organisador sa iba’t ibang organisasyon kabilang ang Bayan, mga eskuwelahan at kahit ang simbahang Katoliko, mabilis na kumalat ang panawagan ng protesta.

Magkabilang panig

Binatikos ni Reyes ang pahayag ni Edwin Lacierda, tagapagsalita ng Malakanyang, at si Pangulong Aquino mismo, na kapanalig umano ng administrasyong Aquino ang mga demonstrador sa Luneta sa laban nito sa korupsiyon.

“Pinakamalaking biro ng araw ay iyung sinabi (ni Lacierda) na nasa iisang panig ang Presidente at sa mga tagaprotestang #abolishpork,” sabi pa ni Reyes. “Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang Pangulo? Kung totoo ito, bakit nagpatuloy pa rin ang mga tao sa protesta kahit inanunsiyo ni Aquino ang pag-abolish ng PDAF (Priority Development Assistance Fund) noong nakaraang linggo?”

Tinutukoy ni Reyes ang talumpati at press conference ni Aquino,na nagsabi ang Pangulo na tatanggalin na raw niya ang PDAF, pero ipapasailalim lamang ito sa line-item budgeting.

“(Kung totoong nasa parehong panig ang mga nagprotesta at si Aquino) bakit patuloy na kinukutya ng mga mamamayan ang itemized pork na pinalitan lang ng pangalan ni Aquino? Ito ay dahil kahit kailan, nasa magkaibang panig (ang mga nagprotesta at si Aquino) at hindi niya ia-abolish ang pork (barrel),” pahayag pa ni Reyes, sa wikang Ingles.

Noong gabi ng Agosto 26 matapos ang protesta, nakipanayam si Lacierda sa ANC, na isang cable news channel ng ABS-CBN, at sinabing nasa iisang panig ang gobyerno at ang mga nagprotesta dahil pareho itong laban sa pork barrel.

Matapos ang protesta, ipinangako ng mga personalidad at organisasyon na lumahok sa protesta na hindi ito ang huling pagkilos laban sa isyu.

Sinabi ng Bayan na pagkakataon ang nakatakdang pag-imbestiga sa pork barrel scam ng Senado para igiit ang pagpapanagot sa mga gumamit sa pondo ng bayan para sa personal na kapakanan o para sa gamitin sa pangangampanya sa eleksiyon.

Naghahanda na rin ang Bayan at iba pang progresibong grupo na magprotesta sa panahon ng naturang mga pagdinig sa Senado.

Ilan sa mga larawan ng dambuhalang protesta sa Luneta at Rizal Park noong Agosto 26:

Panoramic na mga kuha sa harap ng Luneta Grandstand at Rizal Park:

Panoramic shot ng Luneta Grandstand (anim na kuha) (Pher Pasion)
Panoramic shot ng Luneta Grandstand (Anim na larawang pinagdikit, ni Pher Pasion)
Panoramic shot ng hagdan sa Luneta kaharap ng Rizal Park. I-klik para lumaki. (Apat na larawang pinagdikit, ni Pher Pasion)
Panoramic view ng hagdan sa Luneta kaharap ng Rizal Park. I-klik para lumaki. (Apat na larawang pinagdikit, ni Pher Pasion)

Ilan sa mga nagpapatawa, nanggagalit, at nakakakiliti ng isip na mga plakard hinggil sa pork barrel:

(Kuha nina Pher Pasion, Boy Bagwis at KR Guda)
(Kuha nina Pher Pasion, Boy Bagwis at KR Guda)
(Boy Bagwis, KR Guda at Macky Macaspac)
(Boy Bagwis, KR Guda at Macky Macaspac)
(Macky Macaspac / KR Guda)
(Macky Macaspac / KR Guda)
(Macky Macaspac)
(Macky Macaspac)
(Pher Pasion, Macky Macaspac, KR Guda)
(Pher Pasion, Macky Macaspac, KR Guda)

Iba’t ibang mukha ng “pork”:

(KR Guda)
(KR Guda)

Iba’t ibang mukha sa kilos-protesta:

(Soliman A. Santos, Macky Macaspac, KR Guda, Boy Bagwis)
(Soliman A. Santos, Macky Macaspac, KR Guda, Boy Bagwis)
Dumating sa Luneta si dating Chief Justice Renato Corona, kasama ang kanyang mga kaanak, pero na-boo umano siya bago umalis sa lugar. (Macky Macaspac)
Dumating sa Luneta si dating Chief Justice Renato Corona, kasama ang kanyang mga kaanak, pero na-boo umano siya bago umalis sa lugar. (Macky Macaspac)

Iba pang makukulay at makukulit na plakard kontra pork barrel:

(Macky Macaspac)
(Macky Macaspac)
(Macky Macaspac)
(Macky Macaspac)
Sa isang bahagi ng Luneta, malapit sa rebulto ng kalabaw, nagsagawa ng programa ang progresibong mga grupo bilang bahagi ng #MillionPeopleMarch (KR Guda)
Sa isang bahagi ng Luneta, malapit sa rebulto ng kalabaw, nagsagawa ng programa ang progresibong mga grupo bilang bahagi ng #MillionPeopleMarch (KR Guda)

(Macky Macaspac)
(Macky Macaspac)
(KR Guda, Maricristh Magaling, Macky Macaspac)
(KR Guda, Maricristh Magaling, Macky Macaspac)

Iba pang mga mukha ng protesta:

(KR Guda, Maricristh Magaling)
(KR Guda, Maricristh Magaling)
(KR Guda, Pher Pasion, Boy Bagwis)
(KR Guda, Pher Pasion, Boy Bagwis)
Martsa ng tinatayang aabot sa 10,000 mula sa Bayan, mula Luneta patungong Mendiola. Doon, direktang itinurol nila kay Pangulong Aquino ang pananagutan ng paglala ng korupsiyon sa paraan ng pangungulimbat ng pork barrel. (Macky Macaspac)

Praning? Nagtakda ang PNP ng mga pulis sa harap ng tanggapan ng Department of Budget and Management, kung saan dumaan ang mga taong nagmartsa patungong Mendiola. (Macky Macaspac)
Praning? Nagtakda ang PNP ng mga pulis sa harap ng tanggapan ng Department of Budget and Management, kung saan dumaan ang mga taong nagmartsa patungong Mendiola. (Macky Macaspac)
(KR Guda)
(KR Guda)
(Macky Macaspac)
(Macky Macaspac)
Banner ng Babae Laban sa Katiwalian o Babala, isang network ng kababaihan kontra sa korupsiyon. (Macky Macaspac)
Banner ng Babae Laban sa Katiwalian o Babala, isang network ng kababaihan kontra sa korupsiyon. (Macky Macaspac)
Mga lider-kababaihan, pagdating sa paanan ng Mendiola Bridge. (KR Guda)
Mga lider-kababaihan, pagdating sa paanan ng Mendiola Bridge. (KR Guda)
Kumanta sa programa ng Bayan sa Mendiola ang contestant ng The Voice Philippines na si Darry Shy. Sinabayan siya sa harmonica ni Renato Reyes Jr. ng Bayan. (KR Guda)
Kumanta sa programa ng Bayan sa Mendiola ang contestant ng The Voice Philippines na si Darry Shy. Sinabayan siya sa harmonica ni Renato Reyes Jr. ng Bayan. (KR Guda)
Dating Anakpawis Rep. Rafael Mariano (KR Guda)
Dating Anakpawis Rep. Rafael Mariano (KR Guda)
Mga kabataang rapper, nagtanghal sa Mendiola (KR Guda)
Mga kabataang rapper, nagtanghal sa Mendiola (KR Guda)
Dating Bayan Muna Rep. Teddy Casino (KR Guda)
Dating Bayan Muna Rep. Teddy Casino (KR Guda)
Sabay na pinangunahan nina Darryl Shy at beteranong progresibong mang-aawit na si Jess Santiago ang pagkanta ng "Bayan Ko". (KR Guda)
Sabay na pinangunahan nina Darryl Shy at beteranong progresibong mang-aawit na si Jess Santiago ang pagkanta ng “Bayan Ko”. (KR Guda)
(KR Guda)
(KR Guda)