Manggagawa

Dagdag–Sahod para sa mga nars, isinusulong

Nagkaisa ang mga nars sa Pilipinas sa ilalim ng Filipino Nurses United (FNU) para isulong ang kanilang laban para sa nakabubuhay na sahod at pagpapatigil sa kontraktuwalisasyon.

Xena Oris
Pagkilos ng Filipino Nurses United sa harapan ng Philippine General Hospital para sa dagdag na sahod at mas mabuting kondisyon sa paggawa. <strong>Xena Oris</strong>
Pagkilos ng Filipino Nurses United sa harapan ng Philippine General Hospital para sa dagdag na sahod at mas mabuting kondisyon sa paggawa. Xena Oris

Nagkaisa ang mga nars sa Pilipinas sa ilalim ng Filipino Nurses United (FNU) para isulong ang kanilang laban para sa nakabubuhay na sahod at pagpapatigil sa kontraktuwalisasyon.

Sa kanilang magkahiwalay na aktibidad sa Jose Reyes Medical Center at Philippine General Hospital (PGH), ipinanawagan nila ang P25,000 (o salary grade 15) upon entry na sahod para sa mga nars. Panawagan din nilang gawing regular ang mga kontraktuwal na mga nars.

Anila, nakasaad sa Nursing Law of 2002 na makakatangap ang isang nars na nagtatrabaho sa pampuliko at pribadong sektor ng P25,000 kada buwan. Sapat umano ito kung susumahin ang pang-araw-araw na kailangan ng pamilya pero ang gobyerno mismo umano ang sisira sa mithiin na maganda at dekalidad na serbisyong pangkalusugan.

“Nurses play a vital role in the delivery of health care to our people and thus it is just timely that our voices be heard and challenge the national candidates to include us in their platform of government by providing P25,000 monthly starting salary for all nurses in both government and private, regularize contractual nurses and offer decent jobs and better working conditions for the nursing profession,” ayon kay Eleanor Nolasco, Convenor ng FNU.

Ayon sa grupo, maraming nars sa Pilipinas ang nakararanas na hindi magandang kondisyon sa trabaho maliban sa mababang sahod na natatanggap. Malinaw umano na hindi nabibigyan ng prayoridad ng gobyerno ang serbisyong pangkalusugan at mga kawani nito.

Karamihan sa kanila ay nakaranas ng kontraktuwalisasyon o end of contract na nililimitahan ang kanilang taon sa serbisyong pangkalusugan, kawalan ng karapatan sa kanilang propesyon na mabigyan ng magandang serbisyo at maayos na pasilidad at higit sa lahat ang  kulang o kawalan ng sahod sa katapusan ng kanilang trabaho.

Dahil sila ay kontraktuwal, wala silang binipisyo na natatanggap at kung mag-duty sila, umaabo ito sa 12 hanggang 24 oras ngunit ang kanilang nakukuhang sahod ay kakarampot lamang, walanag over time pay at walang benepisyo.

Ayon kay Jossel Ebesate, tagapangulo FNU-PGH Chapter, mayroong iilang mga nars na sumasahod lamang ng P175 piso kada isang araw o P3,850 piso kada buwan at kadalasan ay wala pa itong kasama na benipisyo.

Dagdag pa niya, mayroong isang pribadong ospital kung saan ipinaglalaban nila ang collective bargaining agreement na may P20 piso kada araw na increase. Pero sa pagpapatupad nang nasabing kasunduan, ang binibigay lamang umano ng management ay piso (P1.00) kada araw na pagtaas.

<strong>Xena Oris</strong>
Xena Oris

Iilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit nangingimbang bansa ang mga nars natin o nagtatrabaho pa ng iba o sa iba. Halimbawa na lang ay sa call center, dahil hindi nagiging sapat ang kanilang sahod upang buhayin ang kanilang pamilya.

“Hindi na nila kailangang mangibang bansa kung merong nakakabuhay na sahod at makatarungan na paggawa na nanaisin  nating mapanatili sa ating bansa upang makapagbigay ng serbisyong dekalidad,” ayon kay Nolasco, convenor ng FNU.

Sa Magna Carta para sa health workers o batas na nagsasabi na karapatan ng mga manggagawa sa kalusugan na mayroon silang additional benefits na  naipatupad pa noong 1992, pero hindi ito na naipapatupad ng maayos sa karamihan ng mga ospital at ang sagot pa ng gobyerno ay wala pa daw pondo para dito.

Pero hindi dito naniniwala ang mga kawani sa kalusugan. Anila, sa mga lumabas na iskandalo ng PDAF (Priority Development Assistance Fund) at ng DAP (Disbursement Acceleration Program), malinaw na mayroong pondo ang gobyerno pero pinakikinabangan lamang ito ng iilan at ginagamit sa patronage politics o pamumulitika sa mga kaalyado’t kakampi sa gobyerno.