Remedyo para sa bilbil


Ang pag-alis sa bibil ay hindi lang sa para sa benepisyong pisikal kundi nakakatulong ito para maiwasan ang ilang seryosong sakit gaya ng sakit sa puso, type 2 diabetes at high blood pressure. 

Hirap ka pa rin bang alisin ang sobrang taba sa iyong tiyan o mas kilala sa tawag na bilbil? 

Ayon sa mga eksperto, ang pag-alis sa bilbil ay hindi lang makukuha sa pag-ehersisyo kundi ang sa pagbabago mismo ng lifestyle o pamumuhay. 

Narito ang ilang home remedy na makakatulong sa pagpapaliit ng ating mga tiyan:

  • Idagdag sa inyong diyeta ang mga pagkaing mayaman sa protina gaya ng chicken breast, tuna, tokwa, karne ng baka at keso. 
  • Ugaliing uminom ng green tea araw-araw. Batay sa pag-aaral, taglay ng green tea ang catechins na makakatulong sa pag-detox dahil mapapabilis nito ang pagtunaw sa kinaing pagkain.
  • Makakabuti rin ang pagkain na may turmeric dahil mayroon itong curcumin na nakakatulong laban sa pamamaga.
  • Subukan din ang paghahalo ng apple cider vinegar sa inyong inuming tubig pagkagising sa umaga.
  • Bawasan ang pag-inom ng nakakalasing na inumin gaya ng alak. 
  • Sanayin ang sarili na magkaroon ng sapat na pagtulog. Kapag kapos sa tulog, baka mas lalong maghanap ng pagkain na matamis at hindi masustansiya.
  • Lumabas sa pag-aaral na isa sa dahilan ng pagtaba ay stress. Para maiwasan ang stress, subukan ang simpleng mga ehersisyo, pagninilay-nilay, paghinga nang malalim o kaya ay yoga. 

Ang pag-alis sa bibil ay hindi lang sa para sa benepisyong pisikal kundi nakakatulong ito para maiwasan ang ilang seryosong sakit gaya ng sakit sa puso, type 2 diabetes at high blood pressure.