Talasalitaan

Disinformation o Disimpormasyon | Tala Salitaan 0606


Disinformation o Disimpormasyon — pagpapakalat ng maling impormasyon sa mulat na layuning linlangin ang mga mamamayan, lalo na sa pamamagitan ng propaganda sa social media.  Sinasadya ang paglikha ng mali, mapanlinlang, binaluktot o inililigaw na impormasyon para kumita ng pera, magkaroon ng impluwensiyang politikal, manira ng reputasyon at manggulo. Nililikha ang disimpormasyon at pinapalaganap sa […]

Tala Salitaan 0606

Disinformation o Disimpormasyon — pagpapakalat ng maling impormasyon sa mulat na layuning linlangin ang mga mamamayan, lalo na sa pamamagitan ng propaganda sa social media. 

Sinasadya ang paglikha ng mali, mapanlinlang, binaluktot o inililigaw na impormasyon para kumita ng pera, magkaroon ng impluwensiyang politikal, manira ng reputasyon at manggulo.

Nililikha ang disimpormasyon at pinapalaganap sa social media ng mga organisado at planadong grupo. 

Sa partikular, ang politikal na disimpormasyon ay pinapatakbo ng mga bayarang propesyonal. Ito ay isang malawak na network na nag-uugnay ng mga fake account operator sa mga digital influencer hanggang sa mga may pakana sa mga advertising at PR (public relations) na industriya.

Ipinapakita ng mga pangyayari sa bansa na mas komplikado at delikado ang disimpormasyon kumpara sa misimpormasyon. 

Halimbawa sa isang istorya sa Inquirer.net: “Robredo is biggest disinformation victim; Marcos gains from ‘misleading’ posts — fact-checker.” 

Pinuri naman ni papasok na Justice Secretary Boying Remulla ang social media at binanatan ang tradisyunal na media. “Ang maganda na lang, meron tayong social media, which equalizes everything,” hirit niya.

Sa totoo, dahil sa social media, nagkaboses nang bahagya ang masa, bahagyang nademokratisa at nagkaroon ng malayang pagpapahayag sa social media platforms. At ito ang gustong idireksyon, at sa ilang pagkakataon ay busalan, ng disimpormasyon.

Batid natin na hindi alam ni Remulla ang pagkakaiba ng news media at social media. Iba ang news media sa social media. Ang news media ay aktwal na kumukuha ng mga balita at pangyayari at official source mula sa mga sangay at ahensya ng gobyerno. May pamamaraan at pagsusuri nang ilang beses sa mga datos, impormasyon, litrato at video bago ito ilabas sa radyo, TV, magazine, pahayagan, at online.

Sa social media naman, maraming disimpormasyon at fake news ang nababasa, at ginagawa lalo na ng mga hindi naman pormal na nakapagsanay sa pamamaraan ng pagbabalita at pamamahayag.