Tala Salitaan 0718 | Historical Revisionism o Rebisyunismo sa Kasaysayan

July 22, 2022

Historical Revisionism o Rebisyunismo sa Kasaysayan

Historical Revisionism o Rebisyunismo sa Kasaysayan binabago o binabaluktot ang nakasulat kung saan pilit pinagtatakpan at kinalilimutan ang madilim na bahaging ito ng kasaysayan. Ang kasaysayan ay isinusulat ng maayos tamang pagsasaliksik. Kapag binago mo ang kasaysayan may ibang wakas para palabasin na maganda ang iyong imahe ito ay nagiging historical revisionism sa kabuuan panluluko ito sa mga mamamayan. 

Dahil sa laki ng mga nakulimbat ng mga Marcos na pera ginamit ito upang itulak ng mga Marcos at pagtakpan ang mga krimeng naganap noong Martial Law.  Pilit nilang binabago ang kasyasayan.

Ang EDSA Revolution ay masakit sa mga Marcos ng patalsikin sila ng mamamayan. 

Nais ng mga Marcos na bumango sila sa mata ng publiko gamit ang mga blogger, troll, fake news at ngayon ay pelikula para baguhin ang ang tunay na kasaysayan.

Ipinakita sa kasaysayan na si Ferdinand Marcos, Sr. na sentralisado ang pagnanakaw na nakasentro sa kanya ang malawakang korapsyon sa gobyerno, pagdami ng mga cronies na pinaboran n’ya at yumaman na nagpasasa sa kaban ng bayan, malawakang paglabag sa karapatang pantao. Maraming ipinakulong si Marcos na hindi nabasahan ng walang asunto tulad ng mga aktibista ikinulong ng walang habla. 

Batay sa ulat ng Amnesty International, 70,000 ang kinulong at 3,200 ang pinatay ng armadong puwersa ng estado sa taong 1972 hanggang 1981. Bukod dito, naitala rin ng IBON Foundation ang paglobo ng pambansang utang matapos ang rehimeng Marcos. Sa panahon rin ni Marcos natamasa ang golden era bumagsak ang pambansang ekonomiya, maraming nawalan ng trabaho at negosyo ang nagsara.

Ayaw ng mga Marcos na makilala sa mundo ng kasaysayan na bulok at mabaho ang kanilang pangalan. Pilit nilang binabago ang takbo ng kasaysayan.  Hindi nila mababago ang tunay na kasaysayan at hindi nila masikmura ang naganap sa kanilang pamilya.

Kung hindi sila itinakas ng isang Amerikano na si Ambasador Stephen Bosworth sakay ng helicopter patungong Clark Air Base noong ika 25 ng Pebrero 1986 at inilipad sila tungong Hawaii, malamang napatay na ng mga galit na galit na mamamayang lumusob sa Malacanang ang pamilya Marcos.

Sa hindi naiintindihan ang Historical Revisionism hindi ito epektibo tulad ng gumawa at nag derik ng pelikula na Maid in Malacanag na pilit binabaluktot, pinagtatakpan ang malagim na kasaysayan sa ilalim ni Marcos.