Daisy Macapanpan, nakalaya


Nakalaya na noong Agosto 10, si Vertudez “Daisy” Macapanpan, kilalang environmental defender na iligal na inaresto noong Hunyo 11, 2022 sa Laguna. Kabilang si Macapanpan sa mga nanguna sa paglaban sa pagtatayo ng Ahunan Hydropower Plant sa kabundukan ng Pakil, Laguna. 

Likhang sining mula sa Free Daisy Macapanpan Network

Nakalaya na noong Agosto 10, si Vertudez “Daisy” Macapanpan, kilalang environmental defender na iligal na inaresto noong Hunyo 11, 2022 sa Laguna. Kabilang si Macapanpan sa mga nanguna sa paglaban sa pagtatayo ng Ahunan Hydropower Plant sa kabundukan ng Pakil, Laguna. 

Marahas na inaresto ang 68-taong gulang na si Macapanpan nang walang warrant of arrest. Nakunanan pa sa bidyo at kumalat sa social media ang pagkaladkad sa kanya ng mahigit 40 tauhan ng Philippine National Police (PNP) – Special Action Force (SAF) matapos itong dumalo sa isang Press Conference hinggil sa Ahunan

Ayon sa Karapatan – Southern Tagalog, hindi maitatanggi na ang motibo sa paghuli kay Macapanpan ay ang pagpapatahimik sa kanyang pagtutol sa Ahunan Hydropower Plant. Ang proyektong ito na nagkakahalaga ng lagpas P1.1 bilyon ay sasaklaw sa 299.4 ektarya ng lupain sa kabundukan ng Pakil. 

Dagdag naman ng Kalikasan People’s Network for the Environment (PNE), ang Ahunan ay tinatayang magdudulot ng matinding pagbaha at malalang bagyo sa Laguna de Bay. Ito rin ay itatayo sa isang lokasyon na madalas nanganganib sa lindol at pagguho ng lupa.

Walong taon nang kinikilala ang Pilipinas bilang pinakamapanganib na bansa para sa mga environmental defenders sa buong Asya. Mula 2020, 29 na ang bilang ng mga aktibistang pangkalikasan na pinatay. Habang ipinagbubunyi naman ang paglaya ni Macapanpan, nanawagan naman ang ng Kalikasan PNE para sa pagtatanggol sa karapatang pantao ng mga environmental defenders.