Tipid at mabilis na pambaon


Balik-eskuwela na naman! Napakahalang bigyan ng pansin ang kalusugan ng mga bata para mas mabilis silang matuto at mapatibay ang resistensya, lalo ngayong panahon ng pandemya.

Tortang giniling

Balik-eskuwela na naman! Napakahalang bigyan ng pansin ang kalusugan ng mga bata para mas mabilis silang matuto at mapatibay ang resistensya, lalo ngayong panahon ng pandemya. 

Kailangan nila ng baon na hindi lang nakakabusog, masustansya pa! Pero, hamon din sa mga magulang ang napakamahal na mga bilihin. Kaya, narito ang ilang putaheng tipid na, masustansya at mabilis pang gawin.

Tortang Giniling

Tortang giniling
Tortang giniling, larawan ni Ella Colmenares

Sangkap

  • 3 butil ng bawang, pino ang hiwa 
  • 1 sibuyas, maliliit ang hiwa 
  • 1 pirasong kamatis, chopped 
  • ? kg giniling na baboy 
  • 1 patatas, hiniwa ng maliliit na kwadrado
  • 1 tbsp mantika
  • 2 itlog 
  • opsiyonal: carrots o bell pepper
  • asin at paminta ayon sa panlasa

Hakbang

  1. Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis, baboy at patatas.  
  2. Kapag luto na ang karne at malambot na ang patatas, puwedeng haluan ng carrots o bell pepper kung kaya pa ng badyet.  
  3. Lagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa.  
  4. Magbate ng itlog sa isang lalagyan at haluan ng konting asin at paminta. Ihalo sa ginisang karne’t gulay at hayaang mabuo.
  5. Takpan ng plato at baliktarin para hindi madurog. Panatilihin ang bilog na hugis at iluto ang kabilang parte.  
  6. Hiwain ng pa-tatsulok (parang pizza)
  7. Ihain kasama ng kanin at sawsawan na ketsap.

Kasya ito sa dalawa hanggang tatlong tao.  Mainam ito sa pananghalian. Maari ring ipalit sa giniling na karne ang mga tirang ulam gaya ng adobo (pira-pirasuhin nang maliliit), pritong isda, tokwa, hotdog, delatang tuna at iba pa.  Depende sa aabutin ng inyong imahinasyon.

Maruya

Maruya. Larawan mula sa https://recipes.snydle.com/

Sangkap

  • 6 hinog na saba, hiniwa o dinurog
  • 1 cup harina
  • 1 ½  kutsarita vanilla flavor
  • 1 itlog, binate
  • 1 kutsarita baking powder
  • ¾  tasang asukal
  • 1 tasang gatas (opsiyonal)
  • ¾  tasang mantika
  • Asin

Hakbang

  1. Paghaluin ang harina, baking powder, asin at ½  tasang asukal.
  2. Unti-unting idagdag ang saba habang hinahalo.
  3. Idagdag ang itlog, vanilla flavor at gatas
  4. Painitin ang mantika sa kawali
  5. Kapag mainit na, sumandok mula sa mixture at prituhin na parang pancake.
  6. Kapag luto na ang ilalim, baligtarin
  7. Hanguin sa kawali at patuluin ang sobrang mantika.
  8. Budburan ng natirang asukal 

Kasya ito sa anim na tao.  Bukod sa may baon na, puwede pang ibenta ang sobra!