Home-Made Tikoy


Gusto mo rin ba ng tikoy pero masyadong mahal?  Ang isang kilo ng tikoy ay nasa P300 na!  Pero kung ikaw ang magluluto, maaring di pa umabot sa P100 ang gagastusin mo. 

Gusto mo rin ba ng tikoy pero masyadong mahal?  Ang isang kilo ng tikoy ay nasa P300 na!  Pero kung ikaw ang magluluto, maaring di pa umabot sa P100 ang gagastusin mo. 

Simple lang magluto nito at tatlo lamang ang kailangang sangkap:

2 – tasa ng glutinous rice flour o harina mula sa malagkit na bigas
1 – tasa ng asukal (maaring dagdagan depende sa nais na tamis)
2 – tasa ng tubig

Mga hakbang:

  1. Haluin ang lahat ng sangkap
  2. Salain para maging pino 
  3. Pahiran ng kaunting mantika ang hulmahan 
  4. Isalin sa hulmahan. Huwag ito punuin dahil aalsa pa ito.
  5. I-steam ng 40-45 minuto sa katamtamang apoy  (maglagay ng tela sa ibabaw ng steamer bago takpan para hindi ito magtubig)
  6. Palamigin para mas madaling tanggalin sa hulmahan.

Sa ganitong paraan, nakatipid ka na, puwede pang pangnegosyo lalo na’t papalapit na ang pasko at bagong taon.