2 aktibista, dinukot sa pantalan sa Cebu


Sa isang press conference noong Enero 16, inanunsyo na natagpuan na at nasa ligtas ng kalagayan ang dalawa. Inakusahan din ni Karapatan-Central Visayas spokesperson Dennis Abarrientos na pinagtatakpan ng 2GO Travel at Cebu Port Authority ang pagdukot sa pagtanggi na walang nangyaring komosyon sa pantalan noong Enero 10.

Dinukot ang dalawang aktibista sa pantalan sa Cebu City noong Enero 10 pagbaba ng barkong MV Maligaya ng 2GO Travel mula Cagayan de Oro City.

Sa bidyo mula sa isang saksi, pilit isinakay ng mga nagpakilalang pulis sina Dyan Gumanao ng Alliance of Concerned Teachers Union Region 7 at si Armand Dayoha ng Alliance of Health Workers-Cebu sa kanilang sasakyan.

Halos anim na araw na walang ugnay at hinahanap ng kanilang pamilya, katrabaho at kaibigan ang dalawa. Bago makababa ng barko, nakausap pa ng kanyang pamilya si Gumanao.

Sa isang press conference noong Enero 16, inanunsyo na natagpuan na at nasa ligtas ng kalagayan ang dalawa. Inakusahan din ni Karapatan-Central Visayas spokesperson Dennis Abarrientos na pinagtatakpan ng 2GO Travel at Cebu Port Authority ang pagdukot sa pagtanggi na walang nangyaring komosyon sa pantalan noong Enero 10.

Tumulong naman ang University of the Philippines Cebu (UP Cebu) na sunduin sina sina Gumanao at Dayoha sa isang resort sa Carmen, Cebu kung saan sila iniwan ng mga dumukot na pulis.

Parehong nag-aral at naging lider-estudyante ang dalawa sa UP Cebu. Kasalukuyan ding kumukuha ng ikalawang kurso sa fine arts at nagtuturo ng National Service Training Program sa nasabing pamantasan si Dayoha.